English blog post: https://sdotblog.seattle.gov/2022/02/16/dont-block-the-box-traffic-cameras/
Sa Marso 2022, sisimulan ng Seattle Department of Transportation (SDOT) at Seattle Police Department (SPD) ang mga bagong kamera na pang-trapiko sa walong lokasyon sa paligid ng Downtown Seattle. Ang mga kamera na pang-trapiko ay kukuha ng mga litrato ng mga sasakyan na ilegal na nagmamaneho sa mga daanan ng transit o nakaharang sa mga tawiran at mga interseksyon. Ang mga kamera na ito ay makakatulong upang mapabuti ang kaligtasan ng publiko, mabawasan ang sikip ng trapiko, panatiliin ang pagdaloy ng transit, at gawing mas-madali ang pagkilos ng mga taong may kapansanan.
Ang Lungsod ng Seattle ay sisimulang gawing-aktibo ang mga kamera na ito at mag-iisyu ng mga babala sa Marso. Unti-unting pagaganahin ang mga kamera sa loob ng ilang linggo upang masubukan ang sistema sa bawat lokasyon at bigyan ang publiko ng oras na umangkop sa mga pagbabago.
Ang mga bagong kamera na pang-trapiko ay kukunan ng larawan ang mga plaka ng mga sasakyang lumalabag sa batas. Sa unang pangyayari ang sinoman na mahuli, sila ay papadalhan ng liham ng babala. At sa anumang mga paglabag pagkatapos, sila ay mapapdalhan ng tiket na halagang $75.
Ang lahat ng mga lokasyon ay may malinaw na mga palatandaan at mga marka sa lakarang simento. Kasama sa mga marka sa lakarang simento ang mga puting linya na nagpapahiwatig kung saan magsisimula ang interseksyon. Ang pula na pintura ay magsasaad na ang daanan ay para sa mga bus lamang.
Ang mga kamera ay inilalagay sa apat na abalang mga interseksyon upang pigilan ang mga tao na magmanehong humaharang sa mga tawiran at mga interseksyon matapos na magpula ang ilaw. Ilegal para sa mga nagmamaneho na pumasok sa isang interseksyon maliban na lang kung mayroon silang maluwag na daanan para malampasan ito. Ang pagharang sa mga interseksyon at mga tawiran ay ilegal at delikado na gawain. Pinatataas nito ang panganib ng mga banggaan at pinipigilan ang mga tao sa mga tawiran na ligtas sa pagtawid ng kalye. Ito ay lalo nang mapanganib sa mga tao na may mga kapansanan. Ang mga taong bulag, gumagamit ng mga wheelchair, o may iba pang pangangailangan sa kadaliang pag-kilos ay maaaring maipit sa kapahamakan sa gitna ng kalye na walang ligtas na daan pabalik sa bangketa. Ang pagharang sa interseksyon ay nagpapalala rin ng pagsisikip at pinipigilan ang mga tao sa pagdaloy at nagdudulot ng pagtigil ng trapiko.
Susubaybayan ng ibang mga kamera ang mga daanan ng bus sa limang lokasyon upang maiwasan ang mga tao na magmaneho nang ilegal sa mga ito. Nakakatulong ito na panatilihing gumagalaw ang mga bus na ginagawang mas maaasahan ang ating sistema ng transportasyon at nakikinabang sa lahat. Ang mga bus ay nagdadala ng mas maraming tao sa bawat pagkakataon kumpara sa mga indibidwal na sasakyan. Bawat tao na sumasakay ng bus ay nangangahulugang may bawas ng isang kotse sa kalsada. Ito ay talaga namang isang mahalagang paraan na makakatulong sa lahat na matugunan ang kasikipan at pagbabago ng klima.
Ang mga bagong kamera ay ilalagay sa walong lokasyon sa downtown Seattle, South Lake Union, Belltown, Pioneer Square, at State Route 99. Napili ang mga lokasyon na ito dahil mayroon silang kasaysayan ng mga taong ilegal na humaharang sa mga interseksyon, tawiran, o pagmamaneho sa daanan ng transit.
Inanunsyo ng SDOT ang mga bagong lokasyon ng kamera at nag-tayo ng mga karatula noong Nobyembre 2021 upang matiyak na may oras ang mga tao na matutunan ang mga panuntunan sa kalsada at maiwasan ang pagtanggap ng mga tiket. Inilathala ng SDOT ang anunsyo na ito sa 10 wika, at patuloy na magbabahagi ng mga paalala sa social media, sa mga organisasyong nakabatay sa komunidad, at sa pamamagitan ng mga anunsyo sa serbisyo publiko.
Sa ilalim ng batas ng estado, ang mga pera na makokolekta mula sa mga kamerang pang-trapiko ay mapupunta sa Washington Traffic Safety Commission na popondo para sa programa ng kaligtasan ng nag-bibisikleta at mananawid. Ang pera na ma-iipon ay gagamitin din upang maglunsad ng mga seguridad at pagsasaayos ng mga madaliang pag-gagalaw para sa mga taong may mga kapansanan sa Seattle. Ang SDOT ay nagpaplano na gamitin ang pera upang gumawa ng mas marami pang na-aaksesong mga senyales sa paglakad at mga interseksyon sa Seattle. Ang mga senyales na ito ay mayroong mga napipindot na buton na nanginginig at umiingay upang ipaalam sa mga tao kung kailan ligtas nang tumawid ng kalye.
Ang mga bagong kamera ay gagana tulad ng mga kamera ng para sa photo-enforcement sa ibang bahagi ng Seattle, gaya ng mga kamera ng kaligtasan sa sona ng paaralan. Ang mga kamerang ito ay nagbibigay ng mga tiket sa mga tao na lumalabag sa batas ng trapiko, kung saan makakatulong sa mga alagad ng batas na tutukan ang iba pang mga pangangailangan ng publiko sa kaligtasan. Ginagawa ng mga kamera na magbigay ng mga tiket na pare-pareho at patas.
Upang protektahan ang pagiging-pribado, ang kamera ay kukuha lamang ng litrato ng mga lisensya ng plaka ng mga sasakyan at hindi ang mga tao na nakasakay sa loob ng sasakyan. Ang mga larawan ay gagamitin lamang upang ipatupad ang mga batas sa pagmamaneho sa daanan ng bus at pagharang sa mga intersksyon at mga tawiran. Ito ay hindi nakalaan para sa ibang aksyon upang maipatupad ang batas.