Find Posts By Topic

ANG PLANONG PANGTRANSPORTASYON NG SEATTLE (SEATTLE TRANSPORTATION PLAN) |Ipinahahayag ang aming mga kasosyo sa komunidad at ang simula ng pakikilahok ng publiko.

Kami sa Kagawaran ng Transportasyon ng Seattle (SDOT) ay nagsisimulang makipag-ugnayan sa mga komunidad sa pagbubuo ng Seattle Transportation Plan (STP)

“Ang ibig sabihin ng Isang Seattle ay ang pagtitiyak na ang bawa’t komunidad ay may boses sa paghubog ng kinabukasan ng ating Lungsod — at kung papaano natin ito maisasaayos. Nakikisosyo kami sa mga organisasyong naka-batay sa komunidad, na may pangkasalukuyang mga relasyon sa mga komunidad na kanilang sinisilbihan, nang mapakinggan at matiyak na nasasalamin ng ating Seattle Transportation Plan ang mga kinahahalagahan at mga pangangailangan ng lahat. Sama-sama, ito ang ating pagkakataon na muling linawin ang ating network sa transportasyon at ipagitna ang kaligtasan, pagkapantay-pantay, pag-aakseso, at oportunidad. Inaanyayahan kayo ng Lungsod ng Seatte na samahan kami sa muling pag-iisip kung paano kayo nakakarating sa inyong trabaho, pagbabiyahe upang makita ang inyong mga mahal sa buhay, o pagpasok sa paaralan; kung paano nating pagagalawin ang transit at  mga kalakal sa mabisang paraan; kung paano natin ginugugol ang ating oras sa mga pampublikong lugar; at marami pang iba.”Mayor Bruce Harrell

Ang plano ay nagtatatag ng panibagong pananaw para sa kinabukasan ng ating mga lansangan at mga lugar pampubliko. Sama-sama, ating iisipin muli kung paano tayo kikilos at masisiyahan sa mga lansangan ng Seattle. 

Ang plano ay ang amin ding pinagkaisang pangako – bilang isang Lungsod – para sa pagkakapantay-pantay ng lahi at katarungang panlipunan sa sistema ng transportasyon na nakakatugon sa mga pangangailangan ng lahat, pinagkokonekta tayong lahat nang ligtas at mabilis sa mga lugar na kinahahalagahan nang lubos. 

Kami ay nakikisosyo sa mga organisasyong nakabatay sa komunidad, na may relasyon sa mga komunidad na kanilang sinisilbihan, nang mapakinggan at matiyak na ang plano ay sinasalamin ang mga kinahahalagahan at mga pangangailangan ng lahat. Lubos kaming nalulugod na ipahayag ang aming pakikipagtulungan sa mga di-kapanipaniwalang mga organisasyong ito.


Asian Pacific American Labor Alliance:

 “Ang Asian Pacific American Labor Alliance (APALA), AFL-CIO, Seattle Chapter ay sabik na makisosyo sa Kagawaran ng Transportasyon ng Lungsod ng Seattle. Tinatanaw namin ang isang prosesong pagpaplano na maging inklusibo hindi lamang sa mga naninirahan sa lungsod ng Seattle kung hindi pati sa mga manggagawa. Ang nakakaraming nagtatrabaho sa lungsod ay hindi naninirahan nang malapit sa kanilang pinapasukan at umaasa sa pampublikong transportasyon. Parami nang parami ang mga manggagawang natutulak palabas sa lungsod dahil sa tumaas na halaga ng pamumuhay.  Makikipagtulungan kami sa ating mga komunidad at mga kaabay na manggagawa upang iangat ang mga tinig ng mga may-kulay na manggagawa at mga marhinalisadong komunidad  na siyang napilitang maglipat habang ang lungsod ng Seattle ay lumalaki. “Ang pangangailangan para sa maaasahan at abot-kayang pampublikong transportasyon ay napakahalaga para matiyak na kayang maabot ng ating komunidad ang mga paraan para makarating sa kanilang mga kabuhayan sa anumang oras.” – Eunice How, Pangulo APALA Seattle Chapter.


Central Area Collaborative

“Ang estratehikong pananaw ng Central Area Collaborative ay sinasama ang balangkas ng EcoDistrict na kung saan ang mga may-kulay na komunidad ay hindi nalalampasan o nababaliwala. Sa ilalim ng malawak na imperatives ng Proteksyon sa Klima, pinili namin na makitrabaho sa proyektong ito upang maisulong ang aming nagkaisang mga boses at pangangailangan ng komunidad sa larangan ng transportasyon. Bilang tagapagtaguyod ng komunidad at praktisyoner ng EcoDistrict imperatives, inaasahan naming makatulong sa pagtaguyod ng mga polisiya, mga patakaran at pag-uusap na, higit kadalasan,  napag-iwanan ang  ating mga BIPOC na komunidad. Ito’y magandang pagkakataon na magkaroon ng upuan sa mesa sa isang patas na pamamalakad at respetadong napapakinggan.” –Dennis Comer, Executive Director, Central Area Collaborative


Duwamish Valley Sustainability Association (DVSA):

Pinaliliwanag ng DVSA, “Ang binibigyang halaga ng aming organisasyon ay ang aming mga kabataan, at sila ang mga bituin ng aming mga proyekto.” Pinagmulan ng Larawan: DVSA.

“Sa pamamagitan ng pagsanay sa aming mga kabataan sa mga pamamaraan sa pakikipag-ugnayan sa komunidad, ang Duwamish Valley Sustaibility Association (DVSA) ay magbubuo ng kapasidad at paaangatin ang mga boses ng komunidad ng Duwamish Valley sa paghubog ng Seattle Transportation Plan. Katabi ang aming mga komunidad, kami ay mag-iisip ng mga solusyon sa mga isyu na aming hinaharap at magbibigay ng mga rekomendasyon sa mahalagang planong ito na siyang makakatulong sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng aming komunidad.” – Duwamish Valley Sustainability Association


Khmer Community of Seattle King County.

“Ang Khmer Community of Seattle King County (KCSKC) ay nagpapasalamat sa pagkakataong ipahatid ang pananaw ng aming Khmer/Cambodian na komunidad sa Seattle Transportation Plan ng SDOT sa pamamaraan na magalang, para sa isa’t isa, at nagpapayaman para sa aming mga miyembro ng komunidad. Inaasahan namin ang paglilingkod sa mga makabagong pakikipag-ugnayan sa komunidad na ginigitna ang kultura ng Khmer, pinangungunahan ang pagtatag ng relasyon, at ang pamumuhunan sa kapakanan ng aming mga matatanda at kabataang Khmer. Ang mga tiklop-tiklop na aspeto sa pakikipag-ugnayang sibiko sa aming mga pangkasalukuyang programa ay nagdudulot na maging sulit ang aming kapasidad at epekto sa higit na malawak na komunidad ng Khmer.” – Khmer Community of Seattle King County (KCSKC)


Legacy of Equality Leadership and Organizing (LELO):

“Nasasabik kami sa paglahok sa proyektong ito at pagtulong sa mga pagsisikap ng lungsod na maisama ang mga boses ng komunidad na nung nakaraan ay nakaligtaan sa mga disisyon at mga proseso ng lungsod.  Ang transportasyon ay isang napakahalagang isyu sa ating mga mamayang manggagawa, lalung-lalo na sa mga may mababang kita/ sahod, mga kababaihan, mga imigrante at mga refugee.  Ang kanilang mga kinababahala at mga opinyon ay mahalaga, at maaari silang makatulong sa pagpapaunlad ng tuloy-tuloy na pagpapabuti ng sistema para sa transportasyon ng lungsod.  Salamat sa pagkakataong ito.” – Cindy Domingo, LELO


Smash the Box:

Ang Smash the Box ay isang magkahalo-halong disiplina na nakabatay sa komunidad na bahay-kalakal sa Urban Planning & Design na natatagpuan sa Seattle, WA. Ang aming binibigyan diin ay ang pagkakapantay-pantay at kalusugan.


We Become at Sea Potential

 Ang “We Become at Sea Potential ay magkasamang nagbubuo ng lugar para sa kabataan sa South Seattle upang matanaw ang kinabukasan ng rehiyon at malikhaing ipahayag ang kanilang mga natatanaw sa kanilang tinakdang anyo sa pamamagitan ng sining at birtwal na katotohanan. Ang madaliang pagkilos at paggalaw sa lungsod ay pangunahin para maabot ang mga trabaho at mga berdeng espasyo, pagkikipag-ugnayan sa komunidad, at pangkalahatang kabutihan. Mamanahin ng kabataan ang kinabukasang nahubog sa mga polisiya ngayon, kaya’t makatarungan lamang na ang kanilang mga boses ay palakasin pa sa prosesong pagpaplano. Ako’y nasasabik na makita kung anong mga ideya at mga posibilidad ang lalabas na may potensiyal na makabuo ng matwid at makatarungang sistema ng transportasyon sa gitna ng pabagobagong klima at pang-lungsod na tanawin.” – Emily Wright, Founder, We Become; Kasama si Ebony Welborn at Savannah Smith, Co-Founders, Sea Potential


Estelita’s Library

Ang Estelita’s Library ay isang pangkomunidad na aklatan sa katarungang panlipunan at tindahang-aklatan na pinagsasama-sama ang mga aklat, sining, kultura at komunidad para sa layunin na pasiglahin, pagalingin, at paglingkuran ang mga pinakamahirap sa atin. Kami ay kapwang nagpapasalamat at nagpapakumbaba para maging behikulo kung saan ang ating komunidad ay may tinig sa ating kolektibong kinabukasan. Nagagalak kaming makapagdulot ng lugar para sa pag-aaral at aksyon habang nagagamit ang kaalaman ng komunidad. Ang aming layunin ay makipag-ugnayan sa komunidad sa isang paraan sa pamamagitan ng pagbuo at paggamit ng balangkas na nagbibigay daan para ang pag-aaral at edukasyon ang magiging mekanismo para sa pangmatagalang pagbabago. Yayamang ito ang binibigyang diin, ang mga tinig at contribusyon ng komunidad ay hindi hihinto dito sa punto ng pakikipag-ugnayan at maaaring ang ipasa-gitna ang edukasyon ng komunidad bilang tuloy-tuluyang pamamaraan para sa pagpapaunlad at pagpaplano sa hinaharap.” —  Estelita’s Library


Habang sama-sama nating binubuo ang STP, aming:

Pakikinggan kayo para sama-samang mapag-isipan muli ang ating pananaw sa transportasyon.

Kasama sa sistema ng transportasyon ng Seattle ang mga lansangan, mga bangketa, mga tulay, mga hagdanan, mga bus, mga lakaran at mga trails, mga trambyamga tren, mga ferries, mga daanan ng bisikleta, mga tawiran, mga pampublikong espasyo gaya ng mga kapihan sa lansangan at mga bangko, at marami pa. Sama-sama, ating sagutin ang tanong: Paano nitong sistema matutugunan sa pinakamabuting paraan ang inyong mga pangangailangan?

Ang STP ay magiging isang pananaw para sa kinabukasan ng ating sistemang transportasyon sa Seattle, sinasalamin ang aming nakita at narinig mula sa inyo. Magbubuo kami ng mga pakikipag-ugnayan at pakikinggan naming  mabuti ang mga madlang noong nakaraan ay hindi nagkaroon ng upuan sa lamesa ng pagpaplano sa transportasyon upang mahubog ang kinabukasan ng ating sistemang transportasyon. Kabilang dito ang mga madlang patuloy na nakakaranas ng pinakamakabuluhang di-pagkakapantay-pantay sa transportasyon — gaya ng mga Itim, mga Katutubo, at mga tao ng mga may-kulay na komunidad; mga taong nabubuhay sa kahirapan; mga komunidad ng mga imigrante at mga taong hindi nakapagsasalita ng wikang Ingles sa kanilang tahanan; mga kabataan; mga matatanda; at ang mga may kapansanan.

Magplano una para sa mga mga tao, para maabot ninyo ang mga lugar sa Seattle na pinakamahalaga sa inyo. Kabilang dito ang inyong trabaho o paaralan, ang inyong lokal na pamilihan o community center, o mga tahanan at mga lugar na pinagtitipunan ng inyong mga mahal sa buhay.

Kikilalanin ng STP ang kahalagahan ng ating sistemang transportasyon sa ating pamumuhay, pagkikilos, pagkokonekta, at pag-unlad. Gagabayan tayo ng STP sa paglikha ng mabilis, ligtas, at naka-sentro sa tao na sistema ng transportasyon — isang sistema na nagdudulot sa inyo ng saya, kapayapaan sa isip, at mga pagpipilian kung papaano kayo makakarating sa mga lugar na pinakamahalaga sa inyo.

Manatiling nakasalig sa ating matatag na mga pinahahalagahan, habang tinutugunan ang sandali na may kasamang pakikipag-ugnayan upang magtatag ng isang kolektibong pananaw.  

Ang STPay ibabatay sapananaw, misyon, mga pinahahalagahan, at mga layunin ng SDOT — ang batayan para sa proseso ng pagpaplano — atibubuo sa pangkasalukuyang mga plano ng Seattle at sa Comprehensive Plan Update. Kasabay nito, tutugunan ng plano ang ating mga higpit na pangangailangan sa klima, pagkakapantay-pantay, at kaligtasan, ihahatid ang kakaibang mga solusyon para sa mga pinakamahirap na hamon, at ilalarawan ang mga aspirasyon ng komunidad upang maitatag ang isang inklusibong pananaw.

Sumali kayo.