Buod
- Ang Plano sa Transportasyon ng Seattle [Seattle Transportation Plan] (STP) ay ang aming pangako sa pagbuo ng isang sistema ng transportasyon na nagbibigay sa lahat na maka-acess sa ligtas, mabisa, at abot-kayang mga opsyon upang makaaabot sa mga lugar at mga pagkakataon. Kinakailangan namin ang inyong tulong upang magawa ang plano na ito.
- Sama-sama, muli naming pina-iisipan kung paano tayo makakalibot sa paligid ng lungsod at tangkilikin ang ating mga kalye at mga pampublikong espasyo.
- Kami ay nakinig sa inyong mga ibinahagi sa amin sa unang yugto ng pakikipag-ugnayan at nagsimula na magplano. Sabihin sa amin kung kami ay nasa tamang landas at magbahagi ng inyong input sa Hub ng Online na Pakikipag-Ugnayan.
- Kami ay nagdagdag ng higit pang mga paraan para sa inyo na makakatulong sa paggawa ng STP kasama namin:
- Suriin ang pananaw, mga mithiin at mga layunin ng STP
- Ibahagi kung anong hinaharap ng transportasyon ang inyong gusto na makita
- Sabihin sa amin ang gusto ninyo na mga aksyon at kung paano sila maaaring maging bahagi ng ating sistema
- Ang Opisina sa Pagpaplano at Pagpapaunlad ng Komunidad [Office of Community Planning and Developement] (OPCD) ay humihingi din ng inyong tulong upang lumikha ng Napapanahon na Komprehensibong Plano ng Seattle [Seattle Comprehensive Plan Update] – ang One Seattle Plan. Bisitahin ang One Seattle Plan Engagement Hub ng OPCD upang malaman pa at maibahagi ang inyong mga input upang gabayan ang malaking nilalarawan na hinaharap ng Seattle.
Tayo ay magbubuo ng sistema ng transportasyon na mas mabuting gumagana para sa lahat ngayon at sa kinabukasan.
Ang Plano sa Transportasyon ng Seattle [Seattle Transporatation Plan (STP)] ay ang aming pangako sa pagbubuo ng ligtas, mahusay, at abot-kayang sistema ng transportasyon. Ang STP ay isang oportunidad nang ating mapagisipan lahat kung papano natin ibig makalibot sa paligid ng lungsod sa kinabukasan.
Salamat sa pagbabahi ng inyong mga saloobin sa amin sa ngayon. Kayo ay aming narinig at nagsimula nang magplano.
Ibinahagi ninyo ang inyong mga ideya sa aming interactive na mapa sa unang yugto. Ngayon ay matutulungan ninyo kami na gawing aksyon ang mga ito.
Sa unang yugto, sinabi ninyo sa amin… | Pagkatapos, tayo… | Ngayon, sa ikalawang yugto, hinihiling namin sa inyo na… |
Ang inyong mga priyoridad sa transaportasyon | Binuo ang pananaw, mga mithiin at mga layunin ng STP | Sabihin sa amin kung ano ang inyong naiisip tungkol sa pananaw, mga mithiin, at mga layunin |
Ang inyong pananaw para sa kinabukasan ng transportasyon sa Seattle | Binalangkas ang tatlong posibleng hinaharap para sa transportasyon sa Seattle | Sabihin sa amin kung aling hinaharap ang gusto ninyong makita |
Paano maaaring gumana nang mas mahusay ang aming sistema ng transportasyon para sa lahat | Mga nabuong aksyon na maaari naming gawin upang makatulong na maabot ang ating mga hangarin | Sabihin sa amin kung aling mga aksyon ang gusto ninyo at kung paano ninyo kami gustong sumulong |
Kami ay nakikinig sa inyo.
Bisitahin ang Hub sa Online na Pakikipag-Ugnayan ng Transportasyon sa Seattle upang makilahok at ibahagi ang inyong mga ideya.
Aming gagamitin ang inyong mga sagot sa mga katanungan na ito upang mabuo ang pundasyon ng Plano sa Transportasyon ng Seattle. Sa pamamagitan ng pakikibahagi sa paglikha ng STP, matutulungan ninyo kami na makabuo ng sistema ng transportasyon na gagana ng mas mabuti para sa lahat!
Ang Opisina sa Pagpaplano at Pagpapaunlad ng Komunidad [Office of Community Planning and Developement] (OPCD) ay humihingi din ng inyong tulong upang lumikha ng Napapanahon na Komprehensibong Plano ng Seattle – ang One Seattle Plan.
Ang One Seattle Plan ay tutuklas ng mga panibagong mga ideya kung paano magiging mas pantay, abot-kaya, at may katatagan sa klima ang Seattle. Ang ilan sa mga ideyang tinitingnan ng OPCD ay kinabibilangan ng:
- Paglikha ng mga bagong urban center o mga nayon— mga lugar na may mga tindahan at mas maraming pabahay para sa maraming tao o pamilya (tulad ng mga apartment o mga townhouse) sa mga lugar tulad ng paligid ng mga hinaharap na mga istasyon ng light rail
- Pagsuporta sa mga kumpletong mga kapitbahayan sa buong lungsod na magbibigay ng mas maraming mamimili, serbisyo, at pagbibiyahe na nasa maiksing distansya
- Pagsuporta sa mga estratehiya na nagbibigay-daan para sa mas maraming iba’t ibang mga opsyon sa pabahay sa maraming kapitbahayan para madagdagan ang access sa mga parke at paaralan pati na rin ang mas abot-kaya na pangpamilyang kabahayan at mga pagkakataon sa pagmamay-ari ng bahay
- Pagbuo ng mga bagong tool upang suportahan ang mga komunidad na nahaharap sa mga panggigipit sa pagpapa-alis at tiyakin na ang pag-access sa mga tahanan at trabaho ay higit na napapabilang sa lahi at ekonomiya
- Bisitahin ang One Seattle Plan Engagement Hub ng OPCD upang malaman pa at maibahagi ang inyong mga input upang gabayan ang malaking nilalarawan na hinaharap ng Seattle.
Alamin pa ang tungkol sa STP at ibahagi ang inyong mga ideya sa inyong napili na wika:
- Mag-sign-up para sa email ng mga napapanahon na pagbabago sa Plano sa Transportasyon ng Seattle
- Bisitahin ang aming website ng sari-sari na wika
- Tawagan aming sari-sari na wikang linya ng telepono: (206) 257-2114
- Padalhan kami ng email sa inyong napili na wika sa STP@seattle.gov