Find Posts By Topic

Ang taglagas ay nandito na, at kami ay magbabahagi ng mga importanteng paalala upang matulungan na mapantiling maaliwalas ang mga bangketa, hanay ng taniman, at alulod!


Please note: you can return to the English version of this blog post by clicking here.


Pag-aalis ng mga nahulog na dahon mula sa bangketa, hanay ng taniman, at ng isang lugar ng bangketa sa Seattle. Pagkikilala sa kumuha ng larawan: Jeanné Clark.
Pag-aalis ng mga nahulog na dahon mula sa bangketa, hanay ng taniman, at ng isang lugar ng bangketa sa Seattle. Pagkikilala sa kumuha ng larawan: Jeanné Clark.

Buod:

  • Sa taglagas, ating kinakailangan na gawin ang ating bahagi upang panatilihin maaliwalas ang ating mga bangketa, hanay ng taniman at alulod kung saan kayo naninirahan o nagmamay-ari ng negosyo.
  • Ito ay mahalaga dahil ang pagpapanatili ng mga bangketa na walang mga nalaglag na dahon at tinutubuan ng mga halaman ay nagpapadali para sa lahat na makalibot, at nakakabawas sa mga panganib sa pagdulas kapag nabasa o nagyelo ang bangketa.
  • Kabilang sa nakalagay sa blog na ito ang mga paalala at mga payo sa kung paano kayo makakatulong na matiyak ang ligtas, maaasahang pag-access para sa mga taong naglalakad at gumugulong sa lungsod.

Ang pagtanggal ng mga dahon ay nagpapanatili sa ligtas at naa-access na bangketa upang ang lahat ay makabiyahe, lalo na para sa mga taong may pangangailangan sa pag-aacess o nahihirapan maglibot. Hindi lamang ito ang tamang gawin – ito rin ang batas. Ang lugar sa pagitan ng gilid ng bangketa at ng linya ng inyong ari-arian, kabilang ang mga bangketa, hanay ng taniman, at halamanan, ay inyong responsibilidad na panatilihin at ingatang nasa maayos na kalagayan.

Ang mga lugar na pula sa graphic na ito ay responsibilidad ng may-ari ng ari-arian o naninirahan na panatilihin at ingatang malinaw para sa kaligtasan at accessibility ng lahat. Kabilang dito ang mga halamang sagabal sa buong lapad ng bangketa, o mas mababa pa sa 8 talampakan ang taas. Kabilang din dito ang mga sanga ng puno na umaabot hanggang sa kalye o eskinita, hanggang 14 na talampakan ang taas. Pagkikilala sa gumawa ng graphic: SDOT.
Ang mga lugar na pula sa graphic na ito ay responsibilidad ng may-ari ng ari-arian o naninirahan na panatilihin at ingatang malinaw para sa kaligtasan at accessibility ng lahat. Kabilang dito ang mga halamang sagabal sa buong lapad ng bangketa, o mas mababa pa sa 8 talampakan ang taas. Kabilang din dito ang mga sanga ng puno na umaabot hanggang sa kalye o eskinita, hanggang 14 na talampakan ang taas. Pagkikilala sa gumawa ng graphic: SDOT.

Narito ang ilan sa mga partikular na payo sa kung ano ang maaari ninyong gawin upang masiguro ang kaligtasan ng mga tao sa inyong kapitbahayan sa tuwing sila ay naglalakad, gumugulong, nagbibisikleta, o nagmamaneho. Kung hindi ninyo magawa ang mga bagay na ito, mangyari pag-isipan ang paghingi ng tulong sa iba.

  • Putulin ang mga halaman na katabi ng inyong ari-arian sa hindi bababa ng 8 talampakan sa itaas ng bangketa at 14 talampakan sa itaas ng kalye. (Magbasa ng higit pa tungkol sa pagpuputol ng puno).
  • Putulin pabalik ang mga halaman na tumatakip sa anumang bahagi ng bangketa.
  • Alisin ang mga nalaglag na dahon mula sa bangketa.
  • Alisin ang mga lumot at kalat mula sa bangketa.
Isang bangketa bago at pagkatapos ng matagumpay na paglilinis ng taglagas! Pagkikilala sa kumuha ng larawan: SDOT.
Isang bangketa bago at pagkatapos ng matagumpay na paglilinis ng taglagas! Pagkikilala sa kumuha ng larawan: SDOT. 

Huwag kalimutan ang tungkol sa pag-aalis ng bara ng mga baradong kanal! Kung ang isang daluyan ay barado at ang tubig-ulan ay hindi makaagos ng maayos, ang lugar na ginagamit ng mga tao upang maglakad at gumulong ay maaaring bumaha, lalo na sa mga ilalim ng mga rampa ng bangketa. Ginagawa nitong mahirap o imposibleng gamitin ang rampa sa bangketa ng mga taong gumagamit ng manual wheelchair. Tandaan, tuwing nag-aalis kayo ng mga dahon, manyaring tiyakin na hindi sila mapunta sa kanal. Pinakamainam na ilagay ang mga dahon sa inyong berdeng basurahan ng pagkain at basura sa bakuran.

Nagsisimulang magbara ang mga kanal dahil sa mga dahon ng taglagas. Pagkikilala sa kumuha ng larawan: Jeanné Clark.
Nagsisimulang magbara ang mga kanal dahil sa mga dahon ng taglagas. Pagkikilala sa kumuha ng larawan: Jeanné Clark.

Aming hinihikayat na kayo ay makipag-usap sa inyong mga kapitbahay tungkol sa kung ano ang maaari ninyong magawang magkasama para sa pagpapanatili ng inyong kapitbahayan na ligtas para sa mga naglalakad at gumugulongl. Kung pisikal ninyong matutulungan ang inyong mga kapitbahay na hindi malinis ang kanilang mga bangketa at mga kalapit na rampa ng bangketa, magputol ng puno o pamahalaan ang kanilang mga halaman sa mga pampublikong lugar – mangyaring pag-isipang tingnan ang mga ito at mag-alok ng tulong.

Matuto ng higit pa tungkol sa kaligtasan sa bangketa, pagputol ng puno, pagpapanatili, at higit pa: 

Kahit na wala pa ang taglamig, mahalaga para sa lahat na maghanda ngayon para sa niyebe at nagyeyelong lagay ng panahon sa taglamig bago sila dumating.

Kami ay naghahanda para sa panahon ng taglamig sa buong taon. Kami ay nagsusumikap na panatilihing malinis ang kalye mula sa mga natumbang puno at sanga dahil sa niyebe at yelo, ayusin ang mga lubak upang maging maayos ang mga lansangan, at ayusin ang mga palatandaan at senyales sa buong lungsod. Amin ding sinusubaybayan ang mga kondisyon at tinitiyak na ang aming mga tripulante ay handa na upang pumunta sa trabaho kapag malakas ang hangin, malakas na ulan, o niyebe at yelo ay nasa forecast.

Kami ay nagahahanda, at dapat kayo rin! Narito kung ano ang maaari ninyong gawin upang maghanda, at mauna sa laro bago dumating ang isang bagyo:

  • Maging pamilyar sa mga ruta ng niyebe ng Seattle. Ito ang mga kalye na inuuna naming linisin, kaya ito ang pinakaligtas na paraan upang makarating sa dapat ninyong puntahan. Kapag umuulan na ng niyebe, gamitin ito online Winter Weather Response Mapupang makita ang mga nasasa-oras na update kung aling mga kalye ang aming naararo at live na mga feed ng camera ng kasalukuyang mga kondisyon ng kalye.
  • Makipag-usap sa inyong mga kapitbahay upang makita kung sino ang maaaring mangailangan ng tulong sa madaliang pagkilos sa panahon ng bagyo at gumawa ng plano upang matiyak na ang lahat ng mga bangketa sa block ay napala. Kung kailangan ninyo ng tulong sa paglilinis ng inyong daanan ng sasakyan at bangketa, isipin kung sino ang maaari ninyong hingan ng tulong. 
  • Mag-imbak ng maiinit na damit, karagdagang kumot, at mga flashlight, bago pa magtaas ang pangangailangan para sa mga ito.
  • Kumuha ng pala para sa niyebe at bag ng asin pang kalye upang maalis ang niyebe at yelo.
  • Siguraduhin na mayroon kayong first aid na kit at pang-tatlong araw na supply ng pagkain, tubig, at gamot.

Bisitahin ang seattle.gov/transportation/winterweather para sa karagdagang impormasyon sa panahon ng taglamig. Ang mga karagdagang mapagkukunan tungkol sa pangkalahatang pagtugon sa bagyo sa taglamig ng Lungsod ay makukuha rin sa seattle.gov/winterweather.

Salamat sa inyong interes, at mula sa lahat dito sa SDOT, hangad namin sa inyo ang isang ligtas at kasiya-siyang taglagas at taglamig.