Click here to read this blog post in English.

Blog stats: 950 mga salita | 5-minuto pagbabasa
Sa isang sulyap:
- Isasara namin ang Ballard Bridge sa mga piniling katapusan ng linggo ngayong tagsibol upang makumpleto ang mahalagang pagmementena at pagpepreserba ng tulay.
- Kung kayo’y nagmamaneho, dumaan kayo sa Aurora Bridge upang maiwasan ang kasikipan sa Fremont Bridge.
- Ang unang katapusan ng linggong pagsasara ay nakatakda para sa Abril 25-28.
- Biyernes, Abril 25: Magsisimula ang pagsarado ng mga daan ng 7 PM, at ang tulay ay tuluyang isasara ng 10 PM.
- Lunes, Abril 28: Magbubukas muli ang tulay ng 5 ng umaga.
- Mga hinaharap na pagsasara: Nag-iskedyul kami ng karagdagang pagsasara sa mga sumusunod na petsa:
- Mayo 9-12
- Mayo 30- Hunyo 2
- Hunyo 6-9
- Mayroon din kaming reserbang mga petsa na itinakda para sa Hunyo 13-16 at Hulyo 18-21, kung kinakailangan.
- Kukumpirmahin namin ang mga karagdagang petsa ng pagsasara nang maaga habang kinukumpleto namin ang aming mga plano.
- Sa panahon ng pagsasara, magtatrabaho din kami sa Leary Way Bridge (sa hilaga lamang ng Ballard Bridge).
- Matuto nang higit pa sa blog post na ito tungkol sa kung ano ang maaari ninyong asahan at kung paano umiwas habang sarado ang Ballard Bridge.
- Mag-sign up para sa mga pag-babago gamit ang email at bisitahin ang webpage ng proyekto upang makakuha ng pinaka bagong mga detalye mula sa aming koponan.
Kailangan naming isara ang Ballard Bridge sa loob ng ilang araw sa katapusan ng linggo itong tagsibol upang tapusin ang trabaho na naantala dahil sa ulan noong nakaraang taglagas. Kailangan namin ang tuluyang pagsasara upang matiyak na makapagtatrabaho kami nang ligtas at mahusay sa Ballard Bridge at sa malapit na Leary Way Bridge. Ang trabahong ito ay bahagi ng 15th Ave W/NW at Ballard Bridge Paving & Safety Project.
Bagaman ang mga pagsasara na ito ay hindi komportable para sa mga manlalakbay na gaya ninyo, kinahahalagahan namin ang inyong pasensya at pag-unawa. Pananatilihin naming bukas ang tulaynang kayo’y makapaglakad, makapagbisikleta, makapag-iskooter, o gumulong maliban na lamang kung hindi ito ligtas.
Mga detalye sa pagsasara ng Ballard Bridge tuwing katapusan ng linggo
Ano ang maaasahan sa Abril
- Ang unang katapusan ng linggong pagsasara ay nakatakda para sa Abril 25-28.
- Biyernes, Abril 25: Magsisimula ang mga pagsasara ng daanan ng 7 ng gabi, at ang tulay ay tuluyang isasara ng 10 ng gabi.
- Lunes, Abril 28: Bubuksan muli ang tulay ng 5 ng umaga.
Ano ang maaasahan sa darating na tagsibol
- Nag-iskedyul kami ng karagdagang pagsasara sa mga araw ng katapusan ng linggo sa mga petsang ito:
- Mayo 9-12
- Mayo 30- Hunyo 2
- Hunyo 6-9
- Mayroon din kaming reserbang mga petsa sa Hunyo 13-16 at Hulyo 18-21, kung kinakailangan.
- Kukumpirmahin namin ang mga karagdagang petsa ng pagsasara nang maaga habang kinukumpleto namin ang aming mga plano.
- Ang oras ng bawat pagsasara ay magiging magkakapareho, mula Biyernes ng gabi hanggang Lunes ng umaga.
Paano mananatiling may kaalaman
- Mag-sign up dito upang makatanggap ang aming mga pag-babago sa email upang mayroon kayong pinakabagong impormasyon sa konstruksyon.
- Aming kukumpirmahin ang plano ng bawat pagsasara na may isang balita sa kalagitnaan ng linggo, at magpapadala kami ng isang panghuling balita sa Biyernes upang kumpirmahin kung mangyayari ang pagsasara tulad ng pinlano, o kung ito’y kanselado.
Mangyaring tandaan: Ang mga petsa at mga oras na ito ay maaaring magbago dahil sa mga kondisyon ng panahon, pagkakaroon ng mga trabahador at materyales, o iba pang mga kalagayan.
Pag-iiwas sa panahon ng pagsasara
Mga taong naglalakad at mga sumasakay ng bisikleta
- Maaari kayong maglakad o magbisikleta sa bangketa ng Ballard Bridge habang ito ay sarado sa mga nagmamaneho.
- Maaaring kayong hilingan na maglakad kasama ang inyong bisikleta para sa mga kadahilanan sa kaligtasan.
- Maaari rin kayong paraanin sa ibang bahagi ng tulay para sa kaligtasan.
Mga nagmamaneho at kargamento
- Kung kayo’y nagmamaneho, mangyaring gamitin ang Aurora Bridge (SR 99) bilang ang pinaka maaasahang ruta sa pag-iiwas.
- Inirerekomenda na gamitin lamang ang Fremont Bridge kung kayo’y bumibiyahe patungo sa Fremont o Westlake, dahil sa limitadong kapasidad ng tulay na iyon.
- Maaari kayong makakita ng mga karatula ng pag-iiwas sa paligid ng Ballard Bridge upang matulungan kayong ma-gabayan sa mga alternatibong ruta ng pagbibiyahe sa panahon ng mga pagsasara. Mangyaring dumaan sa naitakdang ibang ruta bago kayo makarating sa Ballard Bridge.
Mga nakasakay ng bus
- Dapat niyong asahan ang mas mahabang mga biyahe sa bus dahil ang mga bus na karaniwang gumagamit ng Ballard Bridge ay maaaring padaanin sa Fremont Bridge.
- Mangyaring bigyan pansin na ang ilang mga hintuan ng bus malapit sa Ballard Bridge ay maaaring pansamantalang ililipat upang suportahan ang mga pagsasara.
- Maaaring mananatili kayong may kaalaman tungkol sa serbisyo ng transit sa lugar sa pamamagitan ng pagsunod sa mga abiso sa serbisyo ng King County Metro at Pag-sign up para sa mga alertong pang-transit.
Mga Namamangka
- Kung naglalakbay kayo sa pamamagitan ng lantsa, maaari kayong magpatuloy sa paglalakbay sa ilalim ng Ballard Bridge.
- Mangyaring maging alerto sa inyong paligid upang matiyak ang kaligtasan ng lahat habang naglalakbay gamit ang lantsa.
Mapa ng pagsasara

Mga mapagkukunan sa paglalakbay para sa inyo
Habang sarado ang tulay, bigyan-konsiderasyon ang mga opsyon na nakalista sa ibaba upang maka-iwas. Maaari rin kayong mamili nang lokal – Ang mga negosyo ng Ballard ay bukas sa panahon ng konstruksyon.
Narito ang ilang mga opsyon sa pagbibiyahe:
- Bus: Bisitahin ang website ng King County Metro Trip Planner upang planuhin ang susunod ninyong pagbiyahe sa bus. Maaari niyo rin sundan ang mga abiso ng serbisyo ng King County Metro at mag-sign up para sa mga alerto sa transit upang mapanatiling may kaalaman.
- Bisikleta: Tingnan ang aming Seattle Bike Map para makatulong na planuhin ang inyong pagsakay o basahin ang aming Seattle By Bike aklat-gabay.
- Pakikipagbahagi ng bisikleta at iskooter: Bisitahin ang aming webpage How to Use Scooter and Bike Share.
- Naglalakad at gumugulong: Bigyan-konsiderasyon ang mga opsyon sa paglalakbay na ito para sa mas maiikling biyahe, depende sa inyong patutunguhan.
- Ibahin ang inyong Pagbibiyahe: Bisitahin ang FlipYourTrip. org upang malaman ang tungkol sa iba’t ibang mga paraang makapaglibot.
- RideshareOnline: Bigyan-konsiderasyon ang pag-carpool kung kailangan ninyong magmaneho. Tignan ang RideshareOnline upang makahanap ng mga opsyon sa pag-carpool at vanpool.
Ang pakikipag-ugnayan sa iba pang mga proyektong konstruksyon
Sabay nating tinatrabaho ang iba’t ibang mga proyektong konstruksiyon sa lugar upang matulungan kayong makapaglakbay at mabawasan ang mga epekto sa paglalakbay hanggang maaari.
Inaanyayahan namin kayong bisitahin ang mga web page ng proyekto para sa higit pang mga detalye:
Manatiling may kaalaman
- Bisitahin ang aming webpage ng proyekto
- Magpalista para sa email ng mga pagbabago
- Sundan ang mga abiso sa serbisyo ng King County Metro at mag-sign up para sa mga alertong pang-transit
- Mag-email sa pangkat ng proyekto: 15thAveW_NWpaving@Seattle.gov
- Tawagan ang pangkat ng proyekto: 206-512-3950 (mangyaring mag-iwan ng voicemail at ibabalik namin ang inyong tawag)