Please note: you can return to the English version of this blog post, by clicking here.
_______
Buod:
- Kami ay naglulunsad ng panibagong panimulang programang Ride Now, upang magbigay ng mga libre at may diskwentong pagsakay sa mga istasyon ng transit at sa iba pang mga kalapit na destinasyon na marahil ay mahirap abutin sa pamamagitan ng transit lamang — lalo na sa mga matatanda (65+) at mga taong may mga kapansanan at ang kanilang mga tagapag-alaga.
- Ang mga karapatdapat na miyembro ng komunidad ay makakatanggap ng $20 na mga voucher upang gamitin para sa pagsakay mula sa Yellow Cab, Uber, o Lyft.
- Ang mga karapatdapat na sumasakay ay maaaring humiling ng hanggang 6 mga voucher kada buwan, na maaaring ibigay na papel na voucher o mga digital na promo code.
- Ang mga voucher ay para sa mga biyahe na nagsisimula o nagtatapos sa Seattle, at ang mga sakay ay maaaring makatanggap ng mas mataas na diskwento sa mga biyaheng kumonekta sa transit.
- Upang humiling ng mga voucher, maaari lamang ay bisitahin ang www.seattle.gov/transportation/RideNow o bigyan kami ng tawag sa (206) 684-ROAD [7623].
- Ang mga voucher ay magagamit din sa pamamagitan ng mga piling hindi kumikitang organisasyon na nakabase sa komunidad sa Seattle. Maari lamang na bisitahin www.seattle.gov/transportation/RideNow para sa mga pinaka bagong impormasyon.
- Ang panimulang programa na Ride Now ay magiging aktibo sa mga buwan ng Marso, Abril, at Mayo 2022. Ang mga voucher ng pagsakay ay hindi na tatanggapin pagkatapos ng Hunyo 1, 2022.
- Kami ay magbibigay ng hindi sapilitan na pagsisiyasat sa katugunan ng mga taong sumusubok sa panimulang programa; makakatulong ito sa amin na magpasya kung at paano mag-aalok ng katulad na bagay sa hinaharap.
_______
Noong 2020, nakatanggap ang Seattle Department of Transportation (SDOT) ng pagkakaloob mula sa Transit Planning 4 All, isang pambansang programang tinatrabaho na makatulong sa mga komunidad na bumuo at magpatupad ng mga programa ng kabuuang pagplaplano para sa pagpapabuti ng mga lokal na serbisyo ng transit at mga pagpipiliian.
Ang kaloob ay nagbigay-daan sa amin na magsagawa ng isang buo, may bayad na proseso sa pagpaplano at mag-alok ng isang pangunahing programang ng pagsuporta sa kadaliang kumilos para sa mga matatanda at mga taong may mga kapansanan, pati na rin ang kanilang mga tagapag-alaga.
Ang pangunahing programang ito, kinikilala bilang Ride Now, ay balak na magabot ng libre o may diskwentong pagsakay sa transit at sa ibang mga malalapit na destinasyon na mahirap marating sa pamamagitan ng transit lamang. Ang mga kalahok sa programa ay maaaring humiling ng mga pagsakay na ito kapag gusto nila ang mga ito, walang kinakailangang reserbasyon, at mayroon na naa-access na Yellow Cab, or Uber or Lyft, direktang magtutungo sa pintuan ng kanilang mga tahanan.
Ang layunin ng programa ay magbigay ng mas madaling naa-access, maginhawa, at abot-kayang mga pagpipilian sa transportasyon para sa mga miyembro ng komunidad na ito.
Mukhang nakakaengganyo. Sino ba talaga ang may karapatan na lumahok?
Ang programang ito ay idinisenyo upang pagsilbihan ang mga matatanda, mga taong may mga kapansanan, at mga tagapag-alaga na naglalakbay kasama ang mga indibidwal na ito. Magagamit ang mga voucher sa mga biyahe na magsisimula o magtatapos sa loob ng lungsod ng Seattle, at ang mga sakay ay maaaring makatanggap ng mas mataas na mga diskwento mula sa mga biyahe na kumonekta sa transit. Mga karagdagan na detalyadong paggabay ay matatangpuan sa www.seattle.gov/transportation/RideNow.
Kabilang sa mga may karapatan na mga indibidual ay:
- Mga matatanda: Mga indibidwal na may 65-taong gulang o mas matanda pa.
- Mga taong may kapansanan: Mga indibidwal na may kahit anumang uri ng kapansanan na nakaka-apekto sa kanilang abilidad na mag-access ng transit, kasama na rito ang mga kapansanang pisikal o pag-iisip.
- Mga tagapag-alaga: Mga indibidwal na nakikibyahe kasabay ng mga may karapatan na sumasakay na nabanggit sa itaas.
Nakuha ko. Kaya papano ang palakad ngRide Now na programa?
Matapos kayong humiling at makatanggap ng inyong mga voucher sa pagsakay, narito kung paano gamitin ang mga ito:
Unang hakbang: mag-book ng sakay
- I-book ang iyong biyahe gamit ang alinman sa mga available na pamamaraang ito:
- Telepono: Mag-book ng Yellow Cab sa pamamagitan ng pag-tawag sa (206) 622-6500.
- Smartphone na app: Mag-book ng Yellow Cab, Uber, o Lyft sa pamamagitan ng kanilang mga app sa inyong smartphone.
- Kompyuter: Mag-book ng Uber o Lyft sa kanilang mga website sa inyong kompyuter o tablet.
- Makakatanggap ka ng impormasyon kung kailan aasahan na darating ang iyong biyahe at maaari kang magtanong sa iyong driver para sa ilang partikular na akomodasyon.
Ikalawang hakbang: Darating sa takdang oras ang inyong sasakyan
- Ang Yellow Cab, Uber o Lyft na sasakyan ay malapit nang dumating, tipikal na nasa loob ng 10-30 minuto mula nang ito ay hilingin.
- Ang Yellow Cab ay nag-bibigay ng mga sasakyang naa-access ng mga wheelchair para sa mga sumasakay na nangangailangan niyan.
- Ang mga sasakyang Uber o Lyft ay tipikal na mga sedan (mga kotse), liban na lamang kung ito’y itutukoy.
Pangatlong Hakbang: Pagbaba at pagbayad
- Ibababa kayo ng nagmamaneho sa inyong pinakamalapit na istasyon ng transit o iba pang kalapit na patutunguhan.
- Gamitin ang inyong papel na voucher o digital promo code para maka-aplay ng diskwento sa inyong biyahe.
- Ang $20 na diskwentong pagbiyahe ay para gawin ang karamihan ng mga biyaheng mas malapit sa 3 milya ay malibre o lubos na naka-diskwento.
- Bayaran ang anumang natitirang balanse.
- Para sa mga pagsakay ng Yellow Cab, maaaring magbayad ng cash o credit/debit card.
- Ang mga natitirang mga balanse sa mga biyaheng Lyft o Uber ay kailangang bayaran ng credit o debit card na naka-file sa smartphone app.
- Mangyaring tandaang bigyan ng tip ang inyong driver!
- Para sa Yellow Cab: Ang natitirang balanse sa papel na voucher ay maaaring magamit sa pag-tip, o maaari kayong mag-tip ng cash.
- Para sa Lyft o Uber: Ang pag-tip sa driver ay maaaring magawa sa paggamit ng smartphone app gamit ang credit o debit card na nasa-file.
- Mga digital promo code ay hindi maaaring magamit para sa pag-tip sa mga pagsakay ng Uber o Lyft.
Pang-apat na Hakbang: Magbigay ng komentaryo (hinihikayat)
- Kayo ay makakatanggap ng maikling survey na kung saan ay maaari kayong magbigay ng komentaryo ukol sa inyong sakay at anumang mga input na makakatulong sa paghubog ng mga serbisyo sa hinaharap.
Mukhang simple lang! Mayroon pa bang ibang mga naa-access, abot-kayang mga programa ng transit na kasalukuyang magagamit sa King County?
Oo. Ang King County Metro ay nag-aabot rin ng ilang mga naa-access na serbisyong programa ng transit, na kinabibilangan ng pangkalahatang serbisyo ng bus na pag-a-access at ang AccessTransportation. Ang mga nasakay ay maaari ding humiling ng mga Regional Reduced Fare Permit (RRFP) card, na may diskwentong transit pass para sa mga matatanda at mga taong may kapansanan.
Ang iba pang “on demand” na mga serbisyo sa pagsakay sa lugar ay kinabibilangan ng:
- Via to Transit, na nagsisilbi sa mga komunidad sa Othello, Rainier Beach, Skyway, Renton at Tukwila, nagbibigay ng mga on-demand na sakay papunta at galing sa mga pangunahing transit at mga community hub, o point-to-point na mga sakay para sa mga may karapatan na maa-access.
- Hyde Shuttles, kung saan ay libre, mga shuttle na nakabatay sa kapitbahayan para sa mga matatanda at mga taong may mga kapansanan.
Para sa pangkalahatang impormasyon tungkol sa transit at mga mapagkukunan ng mga ito upang planuhin ang inyong susunod na byahe, maaari lamang na bisitahin ang on-line na trip planner tool ng King County Metro, ang website ng Sound Transit, o ang website ng Transit Program ng SDOT.
Kanino nakipagtulungan ang SDOT upang mabuo at malunsad ang Ride Now na pangunahing programa?
Isang nabayaran, nakabatay sa komunidad na komite ng steering: Ang komite na ito ay binubuo ng 7 mga indibidwal na namumuhunan sa komunidad, kung saan ang lahat ay may karapatan na makasakay batay sa pamantayan ng programa at nag-aabot ng mayaman na kaalaman tungkol sa pag-aaccess, mga pangangailangan sa maayos na pagkilos, mga pinaka-mahusay na kasanayan sa pag-aaccess sa wika, at ang iba pang mga pananaaw na nakatulong sa pag-papabuti ng aming proseso.
Kabilang sa iba pang grupo na aming nakasosyo ay:
- Transit Planning 4 All: Ang Transit Planning 4 All ay isang pambansang programang pagpaplano ng transportasyon na ang layunin ay tuklasin at itaguyod ang pamamalakad na kabuuang pagpaplano — at isulong ang pagbubuo at pagkakalat ng pinaka-mahusay na pamamalakad sa pagpaplano ng transportasyon kasama ang mga taong may kapansanan at mga matatanda. Ang Transit Planning 4 All ay nag-abot ng paggawad na pagpopondo upang tulungan na gawing posible ang panimulang programang ito.
- Sound Generations – Lake City/Northgate Senior Center Project: Ang Lake City-Northgate Senior Center Project ay gumagamit ng “walang pader” na diskarte, na matinding pinagdidiinan ang tungkol sa pagkapantay-pantay at pagsasama-sama. Lumalahok ang mga matatandang galing sa lahat na mga pinagmulan sa mga programa at mga aktibidad gaya ng Sayaw Latino, Majong, mga klase sa sining, mga pagdiriwang ng kultura, libre/nadonasyong mga pagkain, at higit pa. Nag-bibigay din ang center ng serbisyong panlipunan sa pamamagitan ng direktang pakikipagtagpo sa social work, pag-aabot, mga pagkukunan, at mga pagbisita sa tahanan ng mga kliyente, pati na rin ang mga pag-abot ng kaalaman upang suportahan ang mga matatanda sa Northeast Seattle na may iba’t-ibang mga pangangailangan.
- KIng County Metro — Innovative Mobility Program:Ang Innovative Mobility Program ng King County ay pinalalakas ang umuusbong na mga serbisyong pagkikilos at mga bagong teknolohiya upang mabigyan ang mga tao ng mas marami pang paraan na malibot ang paligid ng King County. Sa pamamagitan ng ma-istrahedyang inisyatibo sa pananaliksik at mga panimulang serbisyo, sinisiyasat ng Metro ang mga panibagong pamamalakad sa transportasyon gaya ng pagsasama-sama sa paglibot, Mobility-as-a-Service, otomatikong mga sasakyan, at Smart Cities. Naniniwala ang Metro na ang pinaka-mahusay na inobasyon ay nagmumula sa mga pakikipagtulungan ng mga ahensiya ng gobyerno, mga komunidad, at ng pribadong sektor.
Sa konklusyon…
Aming inaasahan na ang mga may karapatan na mga miyembro ng komunidad ay lumahok sa pangunahing programa ng Ride Now sa mga buwan ng Marso, Abril at Mayo 2022.
maaari lamang na bisitahin www.seattle.gov/transportation/RideNow para matuto pa at humiling ng iyong mga voucher ngayon!
Pag-uulit ng buod ng layunin at benepisyo ng programang Ride Now:
- Ang programang Ride Now ay balak na mag-abot ng mabilis, madali at murang pag-aaccess para sa mga matatanda at mga taong may mga kapansanan at ang kanilang mga tagapag-alaga.
- Ang mga pagsakay ay balak na mapabilis ang mga opsyon sa paggalaw at tulungan ang mga tao na marating ang kanilang pinaka-malapit na transit access point — maging ito ay ang malapit na istasyon ng Link light rail o hintuan ng bus sa rehyon na iyon — o, isang maiksi, lokal na pag-biyahe sa isang na-iinteresahang destinasyon na siyang makakatulong na pagandahin pa ang kalidad ng inaraw-araw na pamumuhay ng mga miyembro ng komunidad na ito.
- Maaari itong maging partikular na kapaki-pakinabang kapag ang magagamit na opsyon sa pagbibiyahe ay hindi umaabot hanggang sa tahanan ng isang tao o sa ibang nalalapit na destinasyon gaya ng lokal na parke o sa bahay ng miyembro ng pamilya.
- Aming inaasahan na ang panimulang programang ito ay makakatulong na mabawasan ang mga hadlang sa pag-access sa transit at tumulong na ilapit ang agwat para sa mga matatanda at mga taong may kapansanan o ibang mga pangangailangan sa paggalaw.
Aming inaasahan ang tuloy-tuloy na paglilingkod sa mga matatandang miyembro ng komunidad, mga taong may kapansanan o mga partikular na pangangailangan sa paggalaw upang maka-access, ang kanilang tagapag-alaga, at ang lahat ng mga taga-Seattle, upang mag-abot ng marami pang naa-access at murang mga opsyon sa transportasyon para sa lahat!