Find Posts By Topic

Mayo ay ang Buwan ng Pagbibisikleta Kahit Saan! Narito ang dapat ninyong malaman nang makapagbisikleta sa Seattle.


Please note: you can return to the English version of this blog post by clicking here.


Two people bike down the street in Seattle.
Photo credit: Jeanné Clark.

Narito na ang Tagsibol! Ang mga araw na mas maliwanag at mas mainit ay nangangahulugang panahon na upang ilabas ang mga bisikleta at maghanda nang sumakay. Kasama ang aming mga kasosyo, nag-aalok kami ng maraming programa at mga proyekto upang tulungan ang mga tao anuman ang edad at abilidad na makapagbisikleta sa lungsod.

Ang pagbibisikleta, paglalakad, at paggugulong ay mga magagandang paraan upang makalabas, manatiling malusog, at makapunta sa kung saan natin ibig pumunta. Itinataguyod din ng pagbibisikleta ang layunin ng Lungsod na makamit ang 90% ng lahat ng mga personal na biyahe na magkaroon ng sero na emisyon pagdating ng 2030. Kabilang sa mga modong sero ang emisyon sa transportasyon ay ang paglalakad, paggugulong, pagbibisikleta at ang pagsakay sa transit, o ang paggamit ng mga Sasakyang Elektrikal [Electric Vehicles] (EVs).

_____

Ang Mapa at Gabay sa Pagbibisikleta

  • Ang ating 2022 na mapa sa pagbibisikleta ay ang pinakabagong mapa ng Seattle ng mga daanang pangbisikleta, berdeng mga daanan sa kapitbahayan, at ang iba pang mga koneksyong pangbisikleta sa Seattle.
  • Maaari kayong makakuha ng 2022 na mapa na ikoreo sa inyo nang libre! Humiling ng kopya.
  • Sa bandang katapusan nitong buwan, magpapahayag kami ng pinakabagong Gabay sa Pagbibisikleta sa Seattle, ang inyong gabay para sa lahat ng nauukol sa pagbibisikleta sa Seattle.

Mga bagong rota sa pagbibisikleta salamat sa Levy to Move Seattle

Pagbibisikleta sa Berdeng Daanan sa Kapitbahayan. Mga Litrato: SDOT
  • Noong 2021, salamat sa aprubado-ng-botanteng Levy to Move Seattle, nabuo namin ang halos 7 milya ng mga bagong protektadong daanan ng bisikleta, at higit sa 7 milya ng mga bagong Berdeng Mga Daanan sa Kapitabahayan.
  • Magmula noong 2016, nabuo namin ang halos 4 milya ng mga daanan ng bisikleta at 24 milya ng mga protektadong daanan ng bisikleta (na may pisikal na harang sa pagitan ng mga taong nagbibisikleta at mga dumadaloy na sasakyan). Nakagawa rin kami ng mga halos 27 milya ng mga Berdeng Daanan sa Kapitbahayan.
  • Panoorin itong video nang makita kung paano ginagamit nang mabuti ng mga taga-Seattle ang mga kabubuo lamang mga daanan ng mga bisikleta.
  • Salamat, Seattle, na maisakatuparan ang mga ito gamit ang inyong mga dolyares mula sa Levy tax.
  • Mga Stay Healthy Streets ay isa pang opsyon bukas sa mga taong naglalakad, nagbibisikleta, at gumugulong. Sila ay sarado sa trapiko ng dumadaang sasakyan.

Pagpapaayos ng bisikleta, mga pag-arkila at pakikibahagi ng bisikleta

Pagpapaplano sa hinaharap

Kapag handa na ang inyong bisikleta, handa na kayo sa mga sumusunod na hakbang. Sa pagpaplano sa hinaharap mararamdaman ninyo na kayo ay ligtas at handa.

  • Humanap ng kasya nang mabuti na helmet upang makatulong na kayo’y manatiling ligtas.
  • Saan ninyo ibig o kailangang pumunta? Subukan ninyong i-mapa ang inyong rota sa maagang panahon gamit ang isang papel o online sa 2022 mapa sa pagbibisikleta.
  • Tingnan ang Bikery’s Commuter Help Desk para sa harapang tulong sa pagpaplano ng inyong biyahe.
  • Suriin muli ang gabay sa pabibisikleta upang makasigurado na ang mga senyales at mga patakaran sa kalye ay sariwa pa sa inyong isip.
  • Pagkatapos, hatakin any inyong kaibigan na sumama sa inyo sa pag-ensayo ng inyong pagbiyahe. Ang pinakamahalagang bagay ay ang pakiramdam na ligtas at komportable sa inyong biyahe!

Ipagdiwang ang Araw ng Pagbibisikleta Kahit Saan

  • Maaari kayong sumapi sa inyong mga kasamang siklista Biyernes, Mayo 20 para sa Araw ng Pagbibisikleta Kahit Saan.
  • Sa kabuuan ng buwan, pinapatakbo ng Cascade Bicycle Club ang Hamon sa Pagbibisikleta Kahit Saan.
    • Ang mga riders ng Hamon ay maaaring mag-track at magkumpara ng mga binyahe, manalo ng birtwal na mga tsapa, at makilahok sa komunidad na lubos na mahilig sa pagbibisikleta.
  • Tingnan ang web page ng Cascade para sa mga grupong pagbabiyahe, mga babiyaheng happy hour, at marami pang masaya at mapagkaibigang paraan sa pagbibisikleta upang ipagdiwang ang buong buwan!

Itong mga video mula sa Commute Seattle ay nagpapakita ng ilan sa ating mga kapitbahayan na nakikibahagi ng kanilang climate-friendly na mga kwento sa pagbibiyahe.

Ito’y tungkol sa isang SPS na guro ng middle school na nagbibisikleta araw-araw mula sa Central District patungong paaralan:

Magbisikleta patungong paaralan kasama ang mga kaibigan at pamilya.

  • Ang Buwan ng Pagbibisikleta Kahit Saan ay isa ring mabuting panahon upang subukan ang pagbibisikleta patungong paaralan. Sa Mayo, atin din pinagdiriwang ang Pambansang Araw ng Pagbibisikleta at Paggulong Patungong Paaralan.
  • Sa kasalukuyan marami na ang mga istudyanteng nagdiriwang sa buwan na ito!
Ang Concord Elementary at ang Genesee Hill Elementary. Litrato: Mga Paaralang Pampubliko ng Seattle
  • Concord International Elementary sa South Park ay bumati sa mga istudyante sa paaralan nang may abot na pakwan at libreng mga ilaw, mga coloring book, at mga iba’t ibang kulay na lapis. Maraming mga istudyante ang naglakad o nagbisikleta patungong paaralan nung araw na iyon. Nakakuha rin ng mga kalendaryo ang mga istudyante kung saan maaaring subaybayan nila ang mga minuto ng kanilang paglakad at pagbisikleta bawat araw at nang makatanggap ng mga premyo matapos ang buwan. Si Katie Ayers ay nagtuturo sa Concord mula pa noong 2000 at sinusuportahan niya ang mga istudyante sa paglalakad at pagbibisikleta sa kabuuan ng 22 taon!
  • Pinagdiwang din ng Genesee Hill Elementary sa West Seattle ang Araw ng Paglalakad, Pagbisikleta, at Paggugulong Patungong Paaralan. Mahigit 100 bata ang nagbisikleta at sumakay sa kanilang mga scooter patungong paaralan at marami ang naglakad. Nakatanggap ng masayang pagbati ang mga istudyante mula kay Punong Guro Dunn at sa mga boluntaryong magulang. Lahat ay nakataggap ng libreng mga reflector, mga sticker, mga coloring book at mga lalagyan ng lapis.
  • Isang guro ng middle school ng Mga Paaralang Pampubliko ng Seattle ang nagbibisikleta araw-araw patungong paaralan! Matuto nang higit pa dito.

Narito pa ang ibang mga paraan na amin at ng aming mga kasosyo na sinusuportahan ang pagbibisikleta at paggugulong patungong paaralan:

Tuluyan ninyong baguhin ang inyong pagbiyahe!

  • Magpalista sa FlipYourTrip.org upang makatanggap ng espesyal na pagtanggap na bonus na nangangahalagang $25 na LIBRENG mga biyahe na maaari ninyong magamit sa transit, taxi sa tubig, at bisikleta/schooter-share (sa paggamit ng Transit GO Ticket na app).
  • Maaari rin kayong makatanggap ng inyong unang buwan na libre sa mga Metro vanpool, pangpersonal na pagplano ng biyahe, mga pangyayaring pagbigay ng impormasyon, at marami pang iba.
  • Kung kayo’y sumapi sa mga kalahok ng Flip Your Trip sa Hamon ng Pagbibisikleta Kahit Saan ng Cascade Bicycle Club, kayo’y kwalipikadong sumali sa lingguhang ripa para manalo ng $100 na mga gift card sa mga lokal na restawran at mga tindahan ng bisikleta!
  • Matuto nang higit pa tungkol sa pagbibisikleta habang nakasara ang Tulay ng West Seattle sa website ng Cascade.
  • Ang West Seattle Bike Connections ay makakatulong sa mga mungkahing mga rota mula sa West Seattle.

Masiyahan at salamat sa pagbibisikleta!