Please note: to return to the English version of this blog, you can click here.
Nakumpleto namin kamakailan ang pilot na programa na tinatawag na Ride Now na nagbigay ng libre at may diskwentong mga pagsakay patungo sa transit at sa ibang mga lugar. Ang programa ay para sa mga taong may mga kapansanan, mga matatanda, at sa kanilang mga tagapag-alaga upang makapagbiyahe sa loob at sa palibot ng lungsod ng Seattle.
Aming sinuri ang programa, at ibinabahagi kung ano ang maayos na naganap, at kung ano ang aming natutunan. Makakatulong ito na ipaalam sa mga balak sa hinaharap upang mapabuti ang pagkakapantay-pantay at abot-kayang pag-access sa pampublikong transportasyon. Maaari rin ninyong makita ang karagdagang impormasyon tungkol sa Ride Nowna pilot na programa sa aming website, sa aming mga buod na ulat (sa ibaba), o sa aming nakaraang blog post noong Abril.
- Mga Aralin ng Ride Now na Natutunan mula sa Inklusibong Pagpaplano
- Mga Aralin ng Ride Now na Natutunan mula Sa Pilot na Implementasyon
Kasama ang pakikipag-ugnayan sa komunidad sa bawa’t hakbang na dinadaanan
Nakipagtulungan kami sa mga miyembro ng komunidad sa pagpaplano at implementasyon nitong pilot na programa. Kasama sa mga miyembro ng komunidad na ito ang mga taong may kapansanan, mga matatanda, mga tagapag-alaga, at ang mga tagapagbigay ng serbisyo. Ang pagsasama sa mga taong ito noong pagpaplano ay nakatulong sa amin na lumikha ng mas mabuting pilot na programang kaysa isa na wala silang input.
Aming tinanaw ang pakikipag-ugnayan sa komunidad bilang isang mahalagang bahagi ng programa, hindi lamang isang hakbang upang makumpleto. Binayaran din namin ang aming mga kinatawan ng komunidad na siyang nagsilbi sa steering committee nang humigit-kumulang 18 buwan. Ito ang isa sa mga malalaking tagumpay ng pilot na programa, at ito ay nakatulong sa mabuting palakad ng pilot na programa. Aming isasaalng-alang ang pagbayad sa mga miyembro ng komunidad na nakikilahok sa mga katulad na programa sa hinaharap. Kinailangan ng panahon ng lahat upang mabuo ang tiwala, maging komportable, at makapagtrabaho kasama ng mga miyembro ng komunidad upang tumulong sa paghubog ng programa.
Pagsusuri ng pilot na programa ng Ride Now – ano ang aming natutunan
Sinubukan ng pilot na programa ng Ride Now ang pangangailangan ng publiko at ang pagiging posible para sa ganitong uri ng programa. Nakita namin na may pampublikong interes sa isang kayang umangkop, madaling ma-access na programa para sa mga on-demand na voucher sa pagsakay. Inaasahan naming makarinig mula sa ilang daang interesadong tao, subalit nakatanggap kami ng mga kahilingan mula sa halos 1,000 katao.
Mga tagumpay ng pilot na programa:
- Pag-aalok ng mga sakay na walang mga ipinagbabawal na mga patutunguhan ay naging maayos at naging mas kapaki-pakinabang para sa pang-araw-araw na pagbibiyahe, batay sa mga natanggap naming mga puna sa mga lumahok.
- Pagpapayag na magpakilala ang mga kalahok bilang karapat-dapat ay naging maayos din. Wala kaming nakitang anumang panloloko, at ibinahagi ng mga lumahok na nagustuhan nila ang ganitong pamamaraan, sa halip na kailangang patunayan ang kanilang kapansanan gaya ng sa ilang iba pang mga programa.
- Ang pag-aalok ng ilang mga opsyon, pati na ang higit sa isang ride provider at ang halo na mga papel at electronic na voucher, ay naging maayos din. Nagbigay ito sa mga tao ng mas maraming pagpipilian sa uri ng sakay na kanilang ibig at paraan na kanilang maa-access na sapat para sa kanila.
Mga aral na natutunan para sa potensyal na katulad na mga programa sa hinaharap:
Natutunan namin ang mga bagay na makakatulong sa pagpapabuti ng mga katulad na programa sa hinaharap:
- Pag-aalok ng mas matagal na ride voucher na programa para sa mga matatanda at mga taong may kapansanan.
- Pagbibigay ng sapat na benepisyo nang matamo ng mga tao ang kanilang mga pangangailangan at magsimulang tumuon sa kanilang mga kagustuhan.
- Pag-uunawa na mas nais ng mga sakay ang higit na kakayahang umangkop hanggat maaari.
- Ilan sa mga sakay ng Uber at Lyft ay hindi nasiyahan na hindi nila maitabi ang hindi nagamit na halaga, at sinubukan ng iba na magplano ng mga biyaheng naghahalagang malapit sa $20 hangga’t posible upang masagad ang halaga ng kanilang mga voucher.
- Pagkokonekta sa mga nagmamaneho upang bumuo ng dagdag na kaalaman tungkol sa programa. Halimbawa:
- Pagsasama ng mga nagmamaneho sa steering committee (minsang nakilala ng ang mga nagbibigay ng serbisyo).
- Pagpupulong ng hiwalay na pangkat na tagapayo ng mga nagmamaneho.
- Paggawa at pagre-record ng mga oryentasyon sa mga nagmamaneho upang ipakilala ang pilot na programa at magtanungan sa isa’t isa.
- Paghahanda ng mas nakatuon sa nagmamaneho na mga komunikasyon tungkol sa pilot na programa mula sa simula.
- Pagsusumikap sa isang mas sinadyang unti-unting paglulunsad:
- Pagsusubok sa mga ride voucher sa mas maliit na pangkat ng mga sakay (na may kakayahing harapin ang hindi inaasahang mga pagsusubok) ng mas matagal na panahon bago ilunsad ang pangunahing pilot na programa.
Maaari rin ninyong basahin ang mga dokumento na nagbubuod ng programa sa aming website.
Ang mga dagliang istatistika ng pilot na programa ng Ride Now:
- Namahagi kami ng higit sa 6,700 na mga voucher sa mga halos 1,000 kalahok
- Sa kabuuan, halos 58% sa mga kalahok ay gumamit ng hindi bababa sa isang voucher
- Ang mga sakay ay gumawa ng higit sa 1,400 na biyahe (sa karaniwan, mga 2 biyahe bawat isa)
- Ang tipikal na biyahe ay mas mababa sa 3 milya, nagtagal ng humigit-kumulang 11 minuto, at ginastusan ng mga sakay nang wala pang $5
- Sinuri ng mga sakay ang Ride Now na 4.1 sa 5 star sa karaniwan
Mga nasabi ng komunidad
“Ang programang ito ay kailangan, kapaki-pakinabang at nakakapagpabago. Ako ay isang senior na may limitadong paraan at napakahusay ang pagkakaroon ng isang napakagandang access sa mga kinakailangang mapagkukunan ng transportasyon.”
“Iniligtas ng mga voucher na ito ang aking buhay! Nakakapagpalayang programa talaga! Nakarating ako sa mga appointment na sana’y hindi ko naabutan ng husto, dahil may problema sa bus. Nakuha kong magpakasaya sa aking buhay at makipagkita sa mga kaibigang hindi ko sana nagawa. Nakakuha ako ng pagkaing masustansya sa mga araw na ang paglalakad o ang pagsakay ng bus patungong grocery store ay palagay kong sobra. Bilang isang may kapansanan at pirmeng may sumasakit ako’y nasiyahan na magkaroon ng ganitong tulong!! “
“Ang pagkakaroon ng pagkakataong gumamit ng mga Ride Now voucher na pang Uber ay parang naalis sa aking balikat ang isang malaking pabigat.”
Mga susunod na mga hakbang at salamat
Plano naming gamitin ang mga aralin na aming natutunan mula sa programa upang ipaalam ang aming patuloy na trabaho, kabilang ang pagsasaalang-alang sa mga katulad na programa sa hinaharap. Habang kamiy walang anumang mga partikular na programa na kasulukuyang naka-plano, itong pilot na programa ay tumutulong na magbigay ng mahalagang impormasyon para sa hinaharap.
Pinahahalagahan namin ang pakikilahok ng mga kinatawan ng komunidad ng steering committee at nais naming pasalamatan ang lahat ng lumahok sa programang o nagpakita ng interes dito. Narito kami upang kayo ay pagsilbihan, at pahalagahan ang inyong oras. Ibig din namin pasalamatan ang aming kasosyo sa pagpopondo, Transit Planning 4 All, ang aming mga tagapagbigay ng ride service at mga nagmamaneho, at mga kasosyo sa komunidad na tumulong na ikalat ang balita. Maraming salamat.