Ipagmalaki ang inyong pinakamahusay na kasuotan anuman ang inyong edad, at isara ang inyong kalye para sa Trick o Streets
Hinihikayat namin ang sinumang interesadong mag-aplay para sa libreng permit na ito at isara ang inyong kalye sa mga sasakyan sa linggo ng Halloween at Día de Muertos para sa mas ligtas na trick-or-treat at mga pagdiriwang ng pagtatatag ng komunidad!
Sa taong ito, magkakaroon ng Trick or Streets mula Oktubre 28 hanggang Nobyembre 5. Isa sa mga pinakamaganda na bagay tungkol sa programang ito ay maaari mong isara ang iyong kalye hanggang 10n.g.
Handa nang mag-aplay?
Maaaring mag-aplay ang mga aplikante upang lumahok sa maraming paraan.
Kung komportable kayo, gamitin ang Seattle Services Portal para mag-apply para sa inyong permit.
- Sa patlang ng “Project Name”, mangyaring ilagay: “Trick or Street,” o “Day of the Dead” upang aming magawang priyoridad ang pagsusuri sa inyong aplikasyon.
Kung mas gusto ninyong gumamit ng wika maliban sa Ingles o hindi kayo komportable sa paggamit ng Portal ng Serbisyo, gamitin ito (simpleng form sa pagpaparehistro) upang mag-sign up upang lumahok o tumawag sa (206) 684-7623 para sa tulong sa pag-sign up.
- Mayroong mga tagasalin upang matulungan kayo nang libre.
Kung nakatira kayo sa isang Stay Healthy Street, mas madali ang pagho-host ng isang kaganapan.
- Dahil ang inyong kalye ay mayroon nang mga barikada at mga karatula na “STREET CLOSED”, hindi niyo na kailangan ng anumang karagdagang mga permit upang magsagawa ng Trick o Street sa isang umiiral na Stay Healthy Street!
- Kakailanganin niyo pa ring sundin ang mga alituntunin, at maaari kayong mag-imprenta ng mga karagdagang palatandaan upang ipaalam sa mga taong nagmamaneho ang tungkol sa inyong nakaplanong aktibidad.
Siguraduhin na mag-aplay bago mag Oktubre 20.
Ang Día de Muertos Festival Seattleay magaganap sa Oktubre 28-29:11am-6pm sa Armory Food & Event Hall at sa Fisher Pavilion.
Ang pagdiriwang ay bahagi ng serye ng Seattle Center Festál. Ito ay libre at bukas sa publiko. Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang Día de Muertos Festival Seattle (seattlecenter. com)
Ang Pagkakaiba ng Halloween at Día de Muertos:
Hola sa lahat! Ang Día de Muertos ay nagmula sa sinaunang Mesoamerica (Mexico at hilagang Central America) kung saan ang mga katutubong grupo, kabilang ang Aztec, Maya at Toltec, ay may mga tiyak na oras kung kailan nila ginugunita ang kanilang mga mahal sa buhay na namayapa na.
Ang ilang buwan ay dedikado sa pag-alala sa mga yumao, batay sa kung ang namatay ay nasa hustong gulang o isang bata. Pagkatapos ng pagdating ng mga Espanyol, ang ritwal na ito ng paggunita sa mga patay ay naugnay sa dalawang pista opisyal ng mga Katolikong Espanyol: Araw ng mga Santo (All Saints Day) (Nobyembre 1) at Araw ng mga Kaluluwa (All Soul’s Day) (Nobyembre 2). Ang Día de Muertos ay madalas na ipinagdiriwang sa Nobyembre 1 bilang isang araw para alalahanin ang mga bata na pumanaw na, at sa Nobyembre 2 para parangalan ang mga nasa hustong gulang.
Ngayon, ang Día de Muertos ay ipinagdiriwang karamihan sa Mexico at ilang bahagi ng Gitna at Timog America. Kamakailan lang ay lalong naging popular ito sa mga komunidad ng Latino sa ibang bansa, kabilang ang sa Estados Unidos.
Ang Día de Muertos ay hindi araw para sa pagluluksa.
Nagdiriwang ang mga pamilya sa pamamagitan ng paglalagay ng alay na may kasamang pagkain, prutas, at iba pang bagay na nagustuhan ng mga yumao noong nabubuhay pa sila. Gayundin, ang musika at mga makukulay na palamuti na nakalagay sa paligid ng handog ay malugod na tumatanggap sa espiritu ng namatay.