Find Posts By Topic

Nagsisimula ang Konstruksyon sa Ballard Bridge/15th Ave NW Pagsesemento ng kasada, Kaligtasan, at Mga upgrade sa Kalye | LEVY DOLLARS AT WORK

Please note: you can find the English version of this blog post here.

Panghimpapawid na tanawin ng Leary Way Bridge at Ballard Bridge sa likuran, na nakatingin sa timog-silangan. Kredito sa larawan: Luke Gardner
Panghimpapawid na tanawin ng Leary Way Bridge at Ballard Bridge sa likuran, na nakatingin sa timog-silangan. Kredito sa larawan: Luke Gardner

Blog stats: 1,200 na salita | 6 na minutong pagbabasa

Sa-isang-tingin:

  • Ang konstruksyon sa 15th Ave W/NW at ng Proyekto sa Pagsesemento at Pagiging Ligtas sa Ballard Bridge ay magsisimula sa Hulyo 8.
  • Pinapabuti namin ang 15th Ave W/NW sa pagitan ng Ballard at Interbay. Kabilang dito ang pagsesemento sa kalye, ginagawa itong mas mabanayad na biyahe para sa mga bus, at pagdaragdag ng mga bagong senyales sa trapiko at iba pang mga katangian upang gawing mas ligtas ang paglalakad, pagbibisikleta, at pag-rorolling.
  • Sasabihin sa inyo ng blog post na ito kung ano ang inyong maaasahan sa panahon ng konstruksyon simula ngayong tag-init.
  • Kasama sa proyekto ang mahahalagang gawain sa pagmementena ng Ballard Bridge. Kailangan naming magsagawa ng magdamag na pagsasara sa tungong pa-timog at pagbabawas ng madadaanan para makumpleto ang pagmementena at pagsesemento sa tulay. Magaganap ang mga ito sa ilang gabi ng linggo simula sa ika-8 ng Hulyo.
  • Kakailanganin din naming isara ang tulay sa unang bahagi ng taglagas upang palitan ang mga luma nang bahagi ng tulay at kumpletuhin ang iba pang gawain. Manatiling nakatutok para sa higit pang mga impormasyon sa mga ruta ng paglihis sa dating daanan at kung paano maiwasan ang buong pagsasara ng tulay.
  • Para sa mga pinaka-pangkasalukuyang pagbabago, bisitahin ang aming website at mag-sign up para sa mga pagbabago sa email.

Nagsisimula ang konstruksyon sa kahabaan ng 15th Ave W/NW sa pagitan ng Ballard at Interbay, na may nakatakdang trabaho na magsisimula sa ika-8 ng Hulyo.

Ang proyektong ito ay mas magpapabuti ng kaligtasan at kadaliang magpalipat-lipat. Gumagawa kami ng mahahalagang gawain upang mapanatili at gawing makabago ang lugar ng proyekto kabilang ang 107 taong gulang na Ballard Bridge, tinitiyak na mananatili itong nasa maayos na kondisyon. Ang isa pang layunin ay gawing mas ligtas at mas madali magamit ang 15th Ave NW para sa mga taong naglalakad, nagbibisikleta, at nag-rorolling.

Narito ang ilan sa mga pagpapabago na inyong maaaring asahan:

  • Mga muling nasementuhang kalye
  • Pagpapamentena at pagaayos ng mga tulay
  • Bagong mga senyales at mga tawiran
  • Mga pinagbagong transit
  • Pinagitnang napag-taniman ng mga halaman o punong-kahoy
  • Mga bagong pang-ADA na rampa sa kurbada
  • Mas mabuting pag-iilaw

Ang proyektong ito ay pinondohan ng naaprubado ng mga botanteng Levy to Move Seattle.

Palatakdaan ng Proyekto

  • Magsisimula kaming magtatrabaho sa ika-8 ng Hulyo.
  • Magaganap ang konstruksyon sa 2024 at magpapatuloy haggang 2025.
  • Ang isang serye ng mga binabalak na pagsasara ng mga tulay ngayong tag-init at unang bahagi ng taglagas ay nakadetalye sa ibaba.

Ano ang mga maaasahan sa panahon ng konstruksyon

Sa pangkalahatan, narito ang maaari ninyong asahan:

  • Pansamantala naming isasara ang ilang mga dadaanan at mga lansangan para sa mga nagmamaneho.
  • Magkakaroon tayo ng mga pansamantalang paglilihis ng daan para sa mga sasakyan at mga bus.
  • Isasara at ililihis natin pansamantala ang ilang bangketa at tawiran para sa mga taong naglalakad at nag rorolling.
  • Pansamantala naming ililipat ang ilang mga hintuan ng bus.
  • Pansamantala naming papalitan ang nasa-kalyeng paradahan.
  • Makakarinig kayo ng ingay, makakakita ng alikabok, at makakaramdam ng mga panginginig sa mga oras ng trabaho.
  • Magkakaroon kami ng mga antas sa pagsulong ng konstruksyon at mga epekto sa paradahan na malapit sa mga lugar ng trabaho.
  • Kakailanganin naming gumawa ng paminsan-minsang trabaho sa gabi at katapusan ng linggo.

Pagsasara magdamag sa patungong timog ng Ballard Bridge (magsisimula sa ika-8 ng Hulyo)

  • Pansamantala naming isasara ang mga patungong timog na daanan sa Ballard Bridge na magdamag (Lunes hanggang Huwebes pagkalipas ng alas-10 ng gabi) at babawasan ang paglalakbay ng pahilaga sa nag-iisang daanan na magdamag upang tapusin ang pag-aayos ng tulay at pag-semento sa Ballard Bridge ngayong tag-init, simula sa ika-8 ng Hulyo.
  • Ang Ballard Bridge ay may 2 daanan sa bawat direksyon. Ang pagbabawas ng daanan sa bawat direksyon ay maaaring magsimula kasing aga ng alas-7 ng gabi, at inaasahan naming isasara ang lahat ng patungong timog na daanan mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga Lunes hanggang Huwebes ng humigit-kumulang 6 hanggang 8 na linggo.
  • Ang mga ruta ng paglilihis ng daan ay tinatapos pa rin, ngunit inaasahan naming ipagbabago ang direksyon ng pagtutunguhan ang mga taong nagmamaneho sa Aurora Ave N (SR 99). Maaari rin dumaan ng Fremont Bridge, bagama’t may limitadong kapasidad.
  • Inaasahan naming panatilihing bukas ang isang bahagi ng Ballard Bridge para sa mga taong naglalakad at nagbibisikleta, ngunit maaaring lumipat ang mga lokasyon ng linalagusan habang nagaganap ang trabaho. Mangyaring sundin ang lahat ng tagubilin at ng palatandaan ng paglilihis ng daanan na nakapaskil sa paligid na sona ng konstruksyon.
  • Upang makuha ang pinakasalukuyang mga pagbabago, maaari kayong mag-sign up para sa aming mga pagbabago sa email ng proyekto. Hinihikayat din namin ang mga sakay ng transit na sundin ang mga King County Metrona payo sa serbisyo at mag-sign up para sa mga alerto sa transit para manatiling may kaalaman.

Ang lahat ng katapusan ng linggong pagsasara ng Ballard Bridge (Setyembre/Oktubre 2024)

Kailangan din nating lubusang isara ang Ballard Bridge sa mga na-piling katapusan ng linggo sa mga unang bahagi ng taglagas upang mapanatili na mamentenang nasa mabuting kondisyon ang pagpapatakbo ng 107 taong gulang na tulay.

Mga posibleng petsa ng pagsasara sa mga katapusan ng linggo (ikukumpirma pa at maaaring magbago):

  • Biyernes ng gabi, Setyembre 6, 2024, hanggang Lunes ng umaga, Setyembre 9, 2024
  • Biyernes ng gabi, Setyembre 13, 2024, hanggang Lunes ng umaga, Setyembre 16, 2024
  • Biyernes ng gabi, Setyembre 27, 2024, hanggang Lunes ng umaga, Setyembre 30, 2024
  • Biyernes ng gabi, Oktubre 4, 2024, hanggang Lunes ng umaga, Oktubre 7, 2024
  • Biyernes ng gabi, Oktubre 11, 2024, hanggang Lunes ng umaga, Oktubre 14, 2024

Alam namin na ang mga pagsasara na ito ay maaaring nakakapagpabigat sa mga gawain. Gagawin namin ang aming makakaya upang panatilihing bukas ang tulay para sa mga taong naglalakad, nagrorolling, at nagbibisikleta maliban lamang kung hindi ito ligtas. Magbabahagi kami ng higit pang mga detalye tungkol sa mga ruta ng paglilihis ng daanan at kung paano iwasan ang mga pagsasara na ito sa mga darating na balitang pagbabago.

Ang palatakdaan ng konstruksyon ay palaging napasasailalim sa pagbabago depende sa kondisyon ng panahon, pagkakaroon o pagkawala ng mga materyales, at iba pang mga kadahilanan. Hinihikayat namin kayong ibahagi ang post na ito sa inyong mga kapitbahay, mga miyembro ng pamilya, at mga kaibigan na nakatira, nagtatrabaho, at naglalaro malapit sa 15th Ave W/NW corridor. Maari din silang manatiling may kaalaman sa pamamagitan ng pag-sign up para sa mga pagbabago sa email.  

Narito kung ano ang itatayo ng proyekto at ang mga benepisyong idudulot nito:

Mga pangunahing katangian ng proyekto

  • Pagsesemento ng 15th Ave W/NW mula W Emerson St hanggang NW 57th St, kabilang ang Ballard Bridge (hindi kasama ang gumagalaw ng seksyon), upang maging banayad na ang mga biyahe para sa mga sakay ng bus, kargamento, at mga nagmamaneho.
  • Pagmementena ng 107-taong-gulang na Ballard Bridge, kabilang ang pagpapalit ng mga lumang expansion joint upang mapanatiling malakas at matatag ang tulay laban sa paggalaw, pagbabago ng temperatura, at matinding mga kondisyon ng panahon.
  • Mga bagong pulang daanan ng “bus lang” sa mga bahagi ng 15th Ave NW sa pagitan ng NW Market St at ng Leary Way Bridge upang pabilisin ang mga biyahe ng RapidRide D bus sa abalang mga oras ng pagbibiyahe.
  • Isang bagong senyales para sa nagbibisikleta at mga naglalakad at isang tawiran sa NW 51st St upang mapabuti ang pag-aakseso at kaligtasan para sa mga taong naglalakad, nag-rorolling, at nagbibisikleta patungo sa mga negosyo, atraksyon, at mga hintuan ng bus sa Ballard.
  • Isang bagong pinagitnang napag-taniman ng mga halaman o punong-kahoy sa 15th Ave NW sa pagitan ng NW 50th St at NW 54th St upang pakalmahin ang bilis ng trapiko at mapahusay ang kaligtasan sa paglalakbay.
  • Mga pag-babago sa bangketa at pagpapalit ng mga rampa sa kurbada na nakakatugon sa mga pamantayan sa pagaakseso ng ADA.

Bisitahin ang aming website upang makita ang lahat ng mga detalye ng proyekto at mga nakaplanong pagpapahusay sa kahabaan ng 15th Ave W/NW.

Papatibayin din namin ang Leary Way Bridge (sa hilaga lang ng Ballard Bridge) na magiging mas ligtas din sa panahon ng lindol.

Isinalarawan na mas napaganda na kalye sa 15th Ave NW at NW 51st St sa oras ng pagtatapos ng proyekto. Grapiko: SDOT
Isinalarawan na mas napaganda na kalye sa 15th Ave NW at NW 51st St sa oras ng pagtatapos ng proyekto. Grapiko: SDOT

Mapa ng proyekto 

Mapa ng lugar ng proyekto at mga pangunahing mabuting pagbabago. Grapiko: SDOT
Mapa ng lugar ng proyekto at mga pangunahing mabuting pagbabago. Grapiko: SDOT 

Upang manatiling may kaalaman:

Iba pang mga proyekto sa lugar

 Nakikipagtulungan kami sa iba pang nasa malapit na mga proyekto upang mabawasan ang mga epekto sa paglalakbay sa panahon ng konstruksiyon.

Upang matuto nang higit pa tungkol sa bawat proyekto, gamitin ang mga link sa ibaba:

Call-out box:

Pagpopondo ng proyekto

Ang gawaing ito ay pinondohan ng pag-aprubado ng botanteng Levy to Move Seattle at kasama ang pagpopondo mula sa pag-aprubado ng botanteng Seattle Transit Measure. Ito ay isang mahalagang pamumuhunan upang mapanatili at gawing moderno ang abalang lugar na ito na nag-uugnay sa mga masiglang kapitbahayan at mga distrito ng negosyo sa magkabilang panig ng Ship Canal.

Kasama rin sa Leary Way Bridge seismic retrofit na proyekto ang pagpopondo mula sa gawad-pederal. Nagpapasalamat kami sa aming mga pederal na kasosyo para sa kanilang suporta, kabilang ang Biden Administration, Senator Patty Murray, Senator Maria Cantwell, at Congresswoman Pramila Jayapal.

Salamat sa inyong oras at interes sa proyektong ito habang kami’y sumusulong sa pagkokunstruksyon.