Ang Ballard Bridge ay bukas sa mga manlalakbay ngayong weekend, Oktubre 4-7, 2024.
Blog stats: 1,200 na salita | 6 na minutong pagbabasa
Sa-isang-sulyap
- Kailangan nating isara ang Ballard Bridge sa ilang katapusan ng linggo sa Setyembre at Oktubre upang makumpleto ang pagpapanatili at pangangalaga sa 107 taong gulang na tulay.
- Kasama sa trabaho ang pagpapalit ng mga gasgas na expansion joint para mapanatiling malakas at matibay ang tulay, bilang bahagi ng 15th Ave W/NW & Ballard Bridge Paving & Safety Project.
- Ang nai-post sa blog na ito ay nagdedetalye ng mga nakaiskedyul na petsa ng pagsasara at nag-aalok ng mga mapagkukunan upang maiwasan ito habang ang tulay ay sarado.
- Inaasahan naming panatilihing bukas ang tulay sa mga naglalakad at nagbibisikleta sa mga pagsasara na ito.
- Kinikilala namin na ang pagsasara ng Ballard Bridge ay maaaring makaapekto sa inyong mga plano sa paglalakbay, at pinahahalagahan namin ang inyong pasensya at pag-unawa.
- Ang mga paparating na pagsasara ay binuo sa kamakailang natapos na trabaho sa tag-init upang palitan ang luma na simento sa Ballard Bridge.
- Mangyaring tiyaking mag-sign up para sa mga panibagong balita sa email upang makuha ang pinakabagong mga detalye mula sa aming pangkat. Maraming salamat.
Mga petsa ng pagsasara ng Ballard Bridge
Narito ang mga nakaiskedyul na pagsasara ng tulay para sa mga nagmamaneho: (maaaring magbago)
- Biyernes ng gabi, Oktubre 11, 2024, hanggang Lunes ng umaga, Oktubre 14, 2024
- Biyernes ng gabi, Oktubre 18, 2024, hanggang Lunes ng umaga, Oktubre 21, 2024
Maaaring magsimula ang pagsasara ng daanan ng alas-7 ng gabi tuwing Biyernes, na ganap na sarado ng buo ang tulay ng alas-10 ng gabi. Ang tulay ay inaasahang magbubukas muli sa bandang alas-5 ng umaga sa susunod na Lunes.
Pakitandaan: Maaaring magbago ang mga petsa at oras na ito batay sa lagay ng panahon, ang naroroon na pagtatrabaho ng mga trabahador at mga materyales, o iba pang mga pangyayari. Mag-sign up dito para sa mga panibagong balita sa email upang manatiling may kaalaman.
Pag-iiwas sa panahon ng pagsasara
Mga naglalakad at mga nagbibisikleta
- Inaasahan namin na ang mga naglalakad at nagbibisikleta ay makakatawid sa Ballard Bridge habang sarado ito sa mga nagmamaneho.
- Maaaring kabilang dito ang pagsasara ng isang gilid ng daanan ng paglalakad at pagbibisikleta kapag kinakailangan para sa mga kadahilanang pangkaligtasan.
- Ang mga tao ay maaari ding hilingin kung minsan na bumaba at maglakad sa kanilang mga bisikleta para sa mga kadahilanang pangkaligtasan.
Mga nagmamaneho at kargamento
- Ang pangunahin, pinaka-maaasahang ruta ng pagliko para sa mga nagmamaneho ay ang Aurora Bridge (SR 99).
- Ang mga nagmamaneho ay maaari ring mag-palit ng ruta sa University Bridge o I-5 upang tumawid ng Ship Canal.
- Magbubukas ang Fremont Bridge ngunit dahil sa limitadong kapasidad nito, inirerekomenda namin ang mga nagmamaneho na isaalang-alang ang paggamit ng ibang mga ruta.
- Sa mga pagsasara ng tulay na ito, makakatulong ang mga nakapaskil na detour sign na gabayan ang mga nagmamaneho sa mga alternatibong ruta upang maka-iwas sa pagsasara. Hinihikayat din namin ang mga nagmamaneho na lumihis sa ibang mga ruta bago makarating sa lugar ng Ballard Bridge kung maaari.
Mapa ng pagsasara
Mga sumasakay ng transit
- Magplano nang maaga para sa mas mahabang biyahe sa bus dahil ang mga bus na karaniwang gumagamit ng Ballard Bridge ay ililipat sa Fremont Bridge.
- Ang ilang bus stop malapit sa Ballard Bridge ay maaaring pansamantalang ilipat upang suportahan ang mga pagsasara.
- Upang manatiling may kaalaman tungkol sa serbisyo sa pagbibiyahe sa lugar, sundin ang mga payo sa serbisyo ng King County Metro at mag-sign up para sa mga alerto sa pagbibiyahe.
Mga Namamangka
- Makakadaan pa rin ang mga bangka sa ilalim ng Ballard Bridge.
Iba pang paraan ng paglalakbay
Habang sarado ang tulay, isaalang-alang ang mga opsyon na nakalista sa ibaba upang maka-iwas. Maaari rin kayong mamili sa lokal – Ang mga negosyo ng Ballard ay bukas sa panahon ng pagaayos. Narito ang ilang mga opsyon sa paglalakbay:
- Bus: Bisitahin ang website ng King County Metro Trip Planner para planuhin ang inyong susunod na biyahe. Maaari niyo ring sundin ang mga abiso sa serbisyo ng King County Metro at mag-sign up para sa mga alerto sa transit.
- Bisikleta: Tingnan ang aming Seattle Bike Map para makatulong na planuhin ang inyong pagsakay o basahin ang aming Seattle By Bike aklat-gabay.
- Bike at scooter share: Bisitahin ang aming How to Use Scooter and Bike Share na web page.
- Paglalakad at pag-roll: Ito ay mahusay na mga opsyon para sa mas maiikling biyahe, depende sa inyong patutunguhan.
- I-flip ang inyong biyahe: Bisitahin ang Flip Your Trip – Seattle Traffic upang malaman ang tungkol sa iba’t ibang paraan upang maka-iwas.
- RideshareOnline: Kung kailangan ninyong magmaneho, isaalang-alang ang magsama-sama sa isang sasakyan. Tingnan ang RideshareOnline na nagsisilbi sa Washington at Oregon para makahanap ng mga opsyon sa pagsasama-sama sa isang sasakyan at sa isang van.
Bakit namin kailangan isara ang tulay
Kailangan nating pangalagaan ang ating mga tulay sa pamamagitan ng maagap na pagpapanatili at pangangalaga, partikular na ang mga tulay na gumagalaw tulad ng Ballard Bridge na itinayo mahigit isang siglo na ang nakalipas. Ang buong pagsasara ay kinakailangan kapag kami ay nagtatrabaho sa isang mahabang kahabaan ng Ballard Bridge na may kasamang 16 na magkahiwalay na pinagdudugtungan sa paghahaba ng tulay (bridge expansion joints).
Ang mga pinagdudugtungang pampahaba (expansion joint) ay idinisenyo upang mapaunlakan ang paggalaw ng tulay at mga pagbabago sa temperatura. Tumutulong ang mga ito na maiwasan ang pagkasira ng tulay sa panahon ng matinding klima o malalaking lindol.
Ang pagpapalit ng mga expansion joint ay nangangailangan ng pag-alis ng kongkreto sa tabi ng mga pinagdudugtongang ito. Tatanggalin ng mga pangkat pang konstruksyon ang kongkreto sa paligid ng mga pinagdudugtongan at susuriin ang kondisyon ng pagsuporta sa mga barakilang bakal (steel beam) at rebar, pagkatapos ay papalitan ang anumang mga nasirang bahagi ng sumusuportang istraktura. Pagkatapos ay ilalagay nila ang mga bagong expansion joint at ibubuhos ang bagong kongkreto sa paligid nito. Ang kongkreto ay nangangailangan ng hindi bababa sa 24 na oras upang panatilihin (tumigas) bago muling mabuksan ang daanan sa trapiko.
Iba pang mga kalapit na proyekto
Mahigpit kaming nakikipag-ugnayan sa ilang iba pang mga proyekto sa lugar para mabawasan ang mga epekto sa paglalakbay.
Upang manatiling may kaalaman tungkol sa bawat proyekto, mangyaring gamitin ang mga link sa ibaba:
- Route 40 Transit Plus Multimodal Corridor
- Ang Proyektong RapidRide J Line
- Bridge Seismic Retrofit Projects
- Proyekto sa Kalidad ng Tubig sa Ship Canal (Seattle Public Utilities)
- Revive I-5 (WSDOT)
Iskedyul ng Proyekto
Ang pagtatayo ng 15th Ave W/NW & Ballard Bridge Paving & Safety Project at Leary Way Bridge Seismic Retrofit Project ay nagsimula noong Hulyo 2024 at ang trabaho ay nakatakdang magpatuloy hanggang 2025.
Muling pagtanaw ng trabaho na natapos ngayong tag-init
Ang aming pangkat ng konstruksyon ay nagsisikap nang husto upang makumpleto ang paunang pag-papatag ng Ballard Bridge. Ang unang hakbang ng prosesong ito ay alisin ang lumang aspalto, na nasa mas masahol na kondisyon kaysa sa inaasahan – makikita ninyo ang gumuhong simento sa larawan sa ibaba. Matapos alisin ang lahat ng lumang aspalto, ibinuhos ng pangkat pang konstruksyon ang isang makinis na latag ng bagong aspalto at muling pininturahan ang mga linya ng hanay sa tulay.
Pinapabuti din ng pangkat pang konstruksyon ang mga bangketa at interseksyon para sa mga naglalakad, simula sa interseksyon ng 15th Ave NW at NW 56th St. Ang mga grupo ay nagtatrabaho sa timog patungo sa Ballard Bridge, pinapalitan ang kongkreto, pagpapabuti ng mga hukay ng puno, at muling pagpipinta ng sinyales pang direksyon na napupuntahan nila.
Habang: ——————————–Pagkatapos:
Dalawang larawan ng parehong seksyon ng bangketa sa kahabaan ng 15th Ave NW habang at pagkatapos ng pagpapalit ng kongkreto sa bangketa. Mga Litrato: SDOT
Manatiling may kaalaman
- Bisitahin ang aming webpage ng proyekto
- Magpalista para sa mga pagbabagong ihahatid ng email
- Sundan ang mga payo sa serbisyo ng King County Metro at mag-sign up para sa mga alerto sa transit
- Mag-email sa pangkat ng proyekto: 15thAveW_NWpaving@Seattle.gov
- Tawagan ang pangkat ng proyekto: 206-512-3950 (mangyaring mag-iwan ng voicemail at ibabalik namin ang inyong tawag)