Fans arrive at Lumen Field after taking transit to the Club World Cup game between the Seattle Sounders and Paris St. Germain on June 23, 2025. Photo: Peter Bohler, Sound Transit Naghahanda ang Seattle na salubungin ang mga bisita mula sa buong mundo para sa FIFA Men’s World Cup. Ginagawa namin ito bilang isang maayos at napag-isipang paraan upang matulungan ang lahat na maglakbay nang ligtas at maaasahan.
Sa susunod na mga buwan, makakakita kayo ng mga pagbabago sa kalawakan ng lungsod. Maaaring maka-apekto ang mga pagbabagong ito sa kung paano gumagana ang mga kalye, kung paano kayo lalakbay, at kung paano namin ibabahagi ang impormasyon sa pangkasalukuyang oras. Ito ay isang pinag-ugnayang pagsisikap na sakop ng buong rehiyon.
Ang blog na ito ang simula ng aming serye na #WCSeattle (World Cup Seattle) para sa kung ano ang ginagawa namin upang maghanda, ano ang maaari ninyong maaasahan, at kung paano makapagplano nang maaga.
Lumaktaw sa:
- Isang Rehiyonal na Pagsisikap upang Panatilihing Sumusulong ang Seattle: Ang pagho-host ng World Cup ay nangangailangan ng koordinasyon sa buong rehiyon, hindi lamang sa loob ng Seattle.
- Ang aming mga gawa sa Likod ng mga Eksena: Ang paghahanda para sa isang kaganapang may ganitong kalakihan ay kinahuhulugan ng maagang paghahanda, pinatatalas pa ang mga pang-araw-araw na operasyon, at pagdulot ng mga pangmatagalang pagpapabuti, hindi lamang para sa mga palaro kundi para sa kinabukasan ng Seattle.
- Pagdidisenyo para sa mga Tao: Pioneer Square at Pike Place Market: Ang ilan sa mga pinakamalaking pagbabagong inyong makikita ay nasa mga pinakakilalang kapitbahayan ng Seattle.
- Ano ang Inyong Magagawa sa Ngayon: Baguhin ang Inyong Pagb-Biyahe! Sa panahon ng World Cup, magiging iba ang tingin sa paglalakbay, at makakatulong ang lahat.
- Manatiling Konektado: Pananatilihin namin kayong abutan ng pangkasalukuyang pagbabago sa mga balita, mga tip, at mga impormasyon sa paglalakbay sa lahat ng channel ng SDOT upang manatili kayong may alam at makapagplano nang may kumpiyansa.
Isang Rehiyonal na Pagsisikap upang Panatilihing Sumusulong ang Seattle
Ang pagho-host ng World Cup ay nangangailangan ng koordinasyon sa buong rehiyon, hindi lamang sa loob ng Seattle.
Malapit kaming nakikipagtulungan sa mga ahensya ng transportasyon, mga kapit-bahayang mga lungsod, at mga kasosyo upang tulungan kayong makapaglakbay sa pagitan ng airport, downtown, mga stadium, at iba pang mahahalagang mga destinasyon. Kabilang dito ang pakikipag-ugnayan sa mga kasosyo tulad ng:
- Sound Transit
- King County Metro
- Kagawaran ng Transportasyon sa Estado ng Washington
- Daungan sa Seattle
Sama-sama, ang mga koneksyon sa transit at ang isang malinaw at mga magkakaparehong impormasyon ay mangyayari sa lahat ng ahensya.
Ang Aming mga Ginagawa sa Likod ng mga Eksena
Ang paghahanda para sa isang kaganapan na may ganitong laki ay nangangahulugan ang maagang paghahanda, pagpino sa mga pang-araw-araw na operasyon, at paggawa ng mga pangmatagalang pagpapabuti, hindi lamang para sa mga laro kundi para sa kinabukasan ng Seattle.
Narito ang mga nailagay na at ang mga kasalukuyang ginagawa.
Mga Operasyon sa Trapiko sa Totoong-Oras
Binabantayan namin ang sistema ng transportasyon at ginagawa ang mga pagbabago sa totoong-oras, tulad ng pagsasaayos sa mga signal ng trapiko. Ang SDOT Transportation Operations Center ay binabantayan ang mga kondisyon ng trapiko 24 oras sa isang araw at nagbabahagi ng impormasyon sa X na plataporma (@SDOTtraffic). Tingnan ang Travelers Map sa seattle. gov/Travelers.

Sandaling Paghihinto ng Konstruksyon upang Bawasan ang mga Pagkaka-antala
Ang konstruksyon ay sandaling hihinto sa mga pangunahing lugar mula Hunyo 8 hanggang Hulyo 6, 2026. Nangangahulugan ito ng mas kaunting mga sona ng pribado at pampublikong trabaho sa mga kalye at bangketa at mas maraming espasyo para sa transit at mga taong naglalakad, pag-gugulong, at nagbibisikleta. Dahil sa naging mas-kaunting epekto ng konstruksyon, mas madali nang gamitin ang ating mga pampublikong espasyo.
Paglalakbay na Transit-Muna
Ginagawa naming mas madali ang paglalakbay sa pamamagitan ng transit.
Ang mga nailagay na:
- Pinalawak na prayoridad sa transit, gaya ng 24/7 na mga daanan ng bus sa mga koridor tulad ng Aurora Ave at Rainier Ave
- Mga na-pabago na hintuan ng transit, kabilang ang mga pagpapabuti sa 3rd Ave at Main St
- Mga pagbabago sa kahabaan ng 3rd Ave na may mas mahusay na ilaw at akseso
- Mas matibay na koneksyon sa pagitan ng light rail, mga bus, mga trambya, ferry, at sa Coleman Dock na may serbisyo tulad ng Madison St RapidRide G
- Mga bagong karatula sa downtown at impormasyon para sa mga bisita upang tulungan ang mga tao na mahanap ang mga koneksyon sa transit at mga destinasyon
- Isang programang Bike & Scoot patungong Transit na may mga libreng tiket sa transit at mga credit para sa pag-arkila ng bisikleta at iskooter
Ang gagawin namin para sa mga araw ng laro:
- Plano ng Sound Transit na magpatakbo ng mas maraming serbisyo sa mga araw ng laro, kabilang ang mas madalas na Link light rail at karagdagang mga tren ng Sounder upang tulungan ang mga tao na makapunta sa at mula sa stadium.

Mga Bagong Paraan para Maglibot
Ginagawa naming mas madali (at mas masaya!) ang maglibot nang walang sasakyan.
Ang mga nailagay na:
- Mga pinahusay na bangketa, rampa para sa wheelchair, at mga tawiran na malapit sa Lumen Field, Union Station, at Pioneer Square.
- Mas mahusay na mga koneksyon sa pagitan ng downtown at ng waterfront, kabilang ang elevator at hagdan sa Union Street, ang Marion Street Bridge at Coleman Dock, ang Overlook Walk, at mga pagpapabuti sa silangan at kanluran ng Washington St, Yesler Way, at 2nd Ave S.
- Isang bagong bangketa sa 4th Ave S, na nagpapabuti ng pag-aakseso sa pagitan ng SODO at downtown.
- Isang naka-konektadong network ng pagbi-bisikleta, kabilang ang isang protektadong daanan ng bisikleta sa Alaskan Way, mga pagbabago sa kaligtasan sa E Marginal Way, protektadong daanan ng bisikleta sa Yesler Way mula Occidental Ave S hanggang sa waterfront, at mga na-pabagong koneksyon sa Center City Bike Network
- Mas maraming paradahan para sa bisikleta at iskooter upang pamahalaan ang demanda at makatulong na mabawasan ang pagsisikip sa bangketa
- Pag-aalok ng “valet” sa pagpaparada para sa bisikleta at iskooter malapit sa mga stadium sa mga araw ng laro
Pamamahala sa Ispasyo ng Kurbada at Akseso
Inoorganisa namin ang espasyo sa gilid ng bangketa (curb space) at ginagawa ang mga mapa upang isaalang-alang ang mas maraming taong naglalakad at ang patuloy na pangangailangan para sa pagsasakay at pagbababa.
Ang mga nailagay na:
- Mga bagong karatula at kiosk para sa mga bisita sa buong downtown na may mga mapa, kinahahalagahang mga lugar, at impormasyon sa transit upang tulungan ang mga bisita at mga residente na madaling mahanap ang kanilang dadaanan sa mga kapitbahayan sa downtown
Ang mga ginagawa namin sa mga araw ng laro ng World Cup:
- Pagtatalaga ng mga sona para sa rideshare at taxi na malayo sa mga pinaka-abalang lugar malapit sa mga stadium
- Pagbibigay ng malinaw na gabay sa mga lokasyon ng pagsasakay at pagbababa sa araw ng laro
- Paglikha ng karagdagang espasyo para sa mga taong naghihintay na sumakay ng light rail
- Pagsusuporta para sa binababaan ng ADA
Pagdidisenyo para sa mga Tao: Pioneer Square at Pike Place Market
Ang ilan sa mga pinakamalaking mga pagbabagong inyong makikita ay nasa mga pinakakilalang kapit-bahayan ng Seattle.

Nagpaplano kami para sa mas madaling lakarin at nakatuon sa mga tao na mga kalye sa mga lugar tulad ng:
- Sona sa Pioneer Square na Para sa mga Naglalakad sa mga araw ng laro
- Kalye sa Pike Place Market na Para sa mga Naglalakad
Ang mga pagbabagong ito ay kinabibilangan ng mga pagbabago hinggil sa pagpapatakbo at idinisenyo upang:
- mapahusay ang kaligtasan
- maglaan ng espasyo para sa libu-libong bisita
- pamahalaan ang bilis ng arkiladong mga bisikletang at iskooter sa 8 MPH
Sa Pioneer Square, ang mga pagpapabuti sa mga pampublikong espasyo tulad ng Fortson Square, kasama ang mga kalapit na pagpapabuti sa paglalakad, pag-iilaw, at akseso ay makakatulong na lumikha ng isang mas nakakaengganyong pasukan patungo sa kapitbahayan.


Ano ang Inyong Magagawa sa Ngayon: Baguhin ang Inyong Pagb-Biyahe!
Sa panahon ng World Cup, magiging iba ang tingin sa paglalakbay, at makakatulong ang lahat.
Habang papalapit tayo sa World Cup, maaari ninyong maaasahan ang:
- Mas abalang paglalakbay, lalo na sa mga araw ng laro
- Mga pansamantalang pagbabago sa kalye malapit sa mga stadium at mga lugar para sa mga taga-hanga
- Mga aktwal na oras na pagbabago para matulungan kayong magplano nang maaga
Ang magandang balita: magbabahagi kami ng malinaw at napapanahong impormasyon para makagawa kayo ng mga nakaka-alam na pagpili sa paglalakbay.
Kahit ang maliliit na pagbabago tulad ng paggamit ng pampublikong sasakyan, pagbibisikleta, paglalakad, carpooling, o pagbabago ng inyong oras ng pagbiyahe ay makakagawa ng malaking pagkakaiba na panatilihing tumatakbo ang lungsod.
Iyan ang dahilan kung bakit hinihikayat namin ang lahat na mag- “Flip Your Trip”:
- Subukan ang pampublikong transit bago magsimula ang paligsahan
- Subukan ang isang bagong ruta o iskedyul
- Magsanay ngayon para mas madali ang paglalakbay sa mga araw ng labanan
- Panoorin ang mga maikling video na ito para matulungan kayong matutunan kung paano sumakay ng pampublikong sasakyan at maglakbay nang walang kotse!
Bisitahin ang FlipYourTrip. org para tuklasin ang lahat ng inyong opsyon sa paglalakbay.
Manatiling konektado
Pananatilihin namin na kayo’y balitaan sa mga pinaka-sariwang pangyayari, mga tip, at impormasyon ng paglalakbay sa lahat ng mga channel ng SDOT para manatili kayong may kaalaman at nang may kumpiyansang makapagplano nang maaga. Ang blog na ito ay simula pa lamang.
Bisitahin at sundan kami:
Web | Blog | X | X Traffic | Instagram | TikTok | Facebook | LinkedIn | YouTube | Flickr | Customer Service | Alert Seattle
Susunod sa aming serye ng #WCSeattle:
Magiging Handa ang Seattle
Naghahanda kami ngayon para ang mga residente at mga bisita ay makapaglakbay nang ligtas, maaasahan, at masiyahan sa lahat ng maiaalok ng Seattle. Inaasahan naming tanggapin ang mga bisita mula sa buong mundo!