Buod
- Sumali sa amin! Sama-sama, muli nating pag-isipan kung paano tayo makakalibot sa paligid ng lungsod at tangkilikin ang ating mga kalye at mga pampublikong espasyo.
- Nasa unang yugto tayo ng ating pag-abot sa komunidad. Mangyaring sabihin sa amin ang inyong mga pangangailangan at mga priyoridad sa transportasyon!
- Maaari kayong makatulong sa pag-buo ng Plano sa Transportasyon ng Seattle sa maraming paraan. Bisitahin ang Seattle Transportation Plan Online Engagement Hub upang makibahagi na ngayon.
- Ang Opisina sa Pagpaplano at Pagpapaunlad ng Komunidad [The Office of Community Planning and Developement (OPCD)] ay humihiling din ng inyong tulong upang likhain ang Seattle Comprehensive Plan Update. Ito ay tinatawag na One Seattle Plan.
- itahin ang One Seattle Plan Engagement Hub ng OPCD upang malaman pa at maibahagi ang inyong mga input upang gabayan ang malaking nilalarawan na hinaharap ng Seattle.
Sumali sa amin! Sama-sama, ating hinuhubog kung papano tayo makakalibot sa paligid ng lungsod at tangkilikin ang ating mga kalsada at pampublikong mga espasyo.
Ang Plano sa Transportasyon ng Seattle [Seattle Transporatation Plan (STP)] ay ang aming pangako sa pagbubuo ng ligtas, mahusay, at abot-kayang sistema ng transportasyon. Ang STP ay isang oportunidad nang ating mapagisipan lahat kung papano natin ibig makalibot sa paligid ng lungsod sa hinaharap.
Gagabayan ng STP ang pamumuhunan sa lokal na transportasyon para sa susunod na 20 taon, kaya’t ibig namin na kayo ay marinig!
Maaari kayong tumulong sa pag-buo ng Plano sa Transportasyon ng Seattle (Seattle Transportation Plan) sa maraming pamamaraan!
Sinimulan namin ang aming unang pag-ikot ng pag-abot sa komunidad. Mangyaring sabihin sa amin ang tungkol sa inyong mga pangangailangan at priyoridad sa transportasyon.
Maaari ninyong kunin ang aming bagong sarbey, dumalo sa isang parating na kaganapan, at sabihin sa amin kung saan sa Seattle na inyong nakikita ang mga lugar na nangangailangan ng pagbabago.
Bisitahin ang Seattle Transportation Plan Online Engagement Hub upang makibahagi na ngayon.
Sama-sama, tayo ay magbubuo ng sistema ng transportasyon na gumagana ng masmabuti para sa lahat ngayon at sa hinaharap.
Mula ngayon hanggang tag-init 2022, makikipagtulungan kami sa inyo at sa kasosyo na mga organisasyon na naka-base sa komunidad. Aming inaasahan na maunawaan namin ang inyong mga pangangailangan at mga priyoridad sa transportasyon.
Ano ang ibig namin malaman:
- Sa tuwing maiisip ninyo ang tungkol sa kinabukasan ng transportasyon sa Seattle, ano ang inaasahan ninyo na makita? Ano ang mahalaga sa inyo?
- Sa inyong paglilibot sa Seattle, ano ang mga hamon ang inyong kinakaharap? Ano ang makakapagpadali sa inyong paglilibot?
Bisitahin ang Seattle Transportation Plan Online Engagement Hub upang sagutin ang mga katanungang ito at iba pa.
Ang inyong mga sagot ay makakatulong sa pagtatag ng pundasyon ng Plano sa Transportasyon ng Seattle. Sa tag-lagas ng 2022, babalikan namin kayo kasama ang aming mga narinig at karagdagan na mga katanungan. Sa tag-sibol ng 2023, aming ibabahagi sa inyo ang binalangkas na plano.
Ang Opisina sa Pagpaplano at Pagpapaunlad ng Komunidad [Office of Community Planning and Developement (OPCD)] ay humihiling din ng inyong input sa Seattle Comprehensive Plan Update. Ito ay tinatawag na One Seattle Plan.
Ang One Seattle Plan– ang gagabay sa mga mahahalagang mga disisyon gaya ng:
- Kung nasaan ang mga pabahay at mga trabaho
- Kung saan at papano tayo mamumuhunan sa transportasyon, mga utility, mga parke, at marami pa.
Ang layunin ay gawin mas-makatarungan, matitirahan, mapanatili, at resilyente ang Seattle.
Bisitahin ang One Seattle Plan Engagement Hub ng OPCD upang malaman pa at maibahagi ang inyong mga input upang gabayan ang malaking nilalarawan na hinaharap ng Seattle.
Alamin pa ang tungkol sa STP at ibahagi ang inyong mga ideya sa inyong napili na wika.
- Mag-sign-up para sa email ng mga napapanahon na pagbabago sa Plano sa Transportasyon ng Seattle
- Bisitahin ang aming sari-sari na wikang website
- Tawagan aming sari-sari na wikang linya ng telepono: (206)-257-2114
- Padalhan kami ng email sa inyong napili na wika sa STP@seattle.gov