Please note: to return to the English version of this blog post, please click here.
Buod:
- Sa pakikipagtulungan sa King County Metro, kailan lang namin inilapat ang mga daanan ng bus patungong hilaga sa Rainier Ave S sa gitna ng S Alaska St at S Walden St, at tungong patimog sa gitna ng S Oregon St at S Edmunds St sa Rainier Valley.
- Amin ngayon sinusuri ang dalawang mga alternatibo upang pahabain ang mga daanan ng bus. Ang pagpapahaba nito ay nasa Rainier Ave S at palayong pahilaga sa gitna ng S Walden St and S Grand St.
- Mangyaring kuninang aming sarbey bago mag-Nobyembre 13. Maaari ninyong ibahagi ang inyong mga puna tungkol sa dalawang iminumungkahing mga alternatibo, papano kayo bumibiyahe sa Rainier Ave S, at kung papano namin maslalong pinabubuti ang inyong nararanasan sa pagsakay ng transit.
- Ipiprisinta namin ang Yugto 2 na alternatibong pang-bus lamang na daanan sa Rainier Ave S sa isang birtwal na pampublikong pagpupulong sa Oktubre 25. Ang mga detalye sa pagpupulong ay ipoposte sa aming website. Ipoposte namin ang rekording sa aming website matapos ang pagpupulong.
Sa unang bahagi nitong tag-init, sa pakikipagtulungan sa King County Metro, aming inilapat ang unang yugto ng bagong pang-bus lamang na daanan sa kahabaan ng Rainier Ave S.
Kabilang dito ang patungong hilaga na daanan ng bus mula S Alaska St hanggang S Walden St, at patungong timog na mga daanan ng bus mula sa S Oregon St hanggang S Edmonds St. Sinusubaybayan namin ang trapiko at mga oras ng biyahe ng bus mula nang ipatupad ang pagbabagong ito. Patuloy kaming mangongolekta ng mga data sa mga darating na buwan. Sa ngayon, napapansin namin ang natitipid ng oras sa pagbiyahe ng mga bus.
Sinusuri namin sa kasalukuyan ang dalawang opsiyon (“mga alternatibo”) upang pahabain ang kasalukuyang daanan ng bus sa Rainier Ave S sa hilaga, sa gitna ng S Walden St at S Grand St.
Kapag ganap na nailapat na ang lahat, inaasahan namin na makakatipid ang mga sumasakay ng bus ng humigit-kumulung ng 5 minuto habang bumibiyahe sa kasagsagan ng trapiko sa umaga.
Hinihiling namin kayo na tulungan kami sa pagpili ng natatangiang opsiyon na batay sa feedback ng komunidad.
Mangyaring kunin ang aming survey bago ng Nobyembre 13 upang maibahagi ninyo ang inyong nasasa-isip, kung papano kayo bumibiyahe sa kasalukuyan sa Rainier Ave S, at papano niyo ibig na aming pagbutihin ang inyong karanasan sa pagsakay ng transit.
Maaari rin kayong lumahok sa birtwal na pampublikong pagpupulong sa Oktubre 25 upang madagdagan pa ang inyong kaalaman. Mga detalye ng pagpupulong ay makakamit sa aming website. Ire-rekord namin ang pagpupulong at ipoposte ang link sa aming website.
Sa ibaba ay isang maiksing buod ng dalawang mga alternatibo.
Mahahanap niyo rin ang masmarami pang mga detalye tungkol sa mga benepisyo at mga konsiderasyon para sa bawat alternatibo sa aming website.
Alternatibo 1
Sa opsyon na ito iibahin namin ang isang daanang patungong hilaga na maging daanan ng bus mula S Walden St hanggang S Grand St.
S Grand St hanggang S Walden St (nakatingin sa pahilaga)
Alternatibo 2
Gaya ng Alternatibo 1, sa opsyon na ito iibahin namin ang isang patungong hilaga na daanan na maging daanan ng bus mula S Walden St hanggang S Grand St.
Tatanggalin din namin ang daanan na likuan sa gitna sa pagitan ng S Grand St at S College St at magkakaroon ng dalawang patungong hilaga na daanang pangbiyahe (mga halos 5 bloke).
S Grand St hanggang S College St (nakatingin sa pahilaga)
S College St hanggang S Walden St (nakatingin sa pahilaga)
Mga kasunod na hakbang
Makikibahagi kami ng mga karagdagan pang mga impormasyon kung ano ang aming narinig at mga susunod na hakbang para sa proyekto ng Yugto 2 pagdating ng katapusan ng taon. Ang disenyo ng proyekto ay magpapatuloy hanggang 2023, at maaaring magsimula ang konstruksyon ng kasing aga ng 2024.
Upang malaman pa
- Web: Bisitahin ang Rainier Ave S website ng proyektong pag-bus na daanan lamang, maaaring makamit sa iba’t ibang mga wika.
- Mga napapanahong pagbabago sa Email: Mag-sign-up upang matanggap ang aming regular na mga napapanahong pagbabago sa email tungkol sa proyekto
- Mag-email sa amin sa: TransitLanes@seattle.gov
- Voicemail: Mag-iwan ng voicemail sa inyong natatanging wika at babalikan namin kayo ng tawag: 206-257-2201
Salamat sa inyong oras at interes sa proyektong ito!