Find Posts By Topic

Ano ang susunod sa Ating “Safe Start” na kainan sa labas at sa programa ng permiso sa paggamit ng espasyo sa gilid ng bangketa


Please note: to return to the English version of this blog, you can click here.


Ang kainan sa labas at ang espasyo para sa paghigop ng kape sa kapitbahayan ng Capitol Hill ng Seattle. Pinagmulan ng larawan: SDOT
Ang kainan sa labas at ang espasyo para sa paghigop ng kape sa kapitbahayan ng Capitol Hill ng Seattle. Pinagmulan ng larawan: SDOT

Nung Hunyo 2020, nilikha namin ang pansamantalang programang Safe Startupang tulungan ang mga restoran, mga nagbebenta ng pagkain, at mga retail na negosyo ng Seattle noong panahon ng pandemyang COVID-19. Ginawang mas simple ng programang Safe Start para sa mga negosyo na makakuha ng permiso na gamitin ang kalye at bangketa. Nagbigay-daan ito para magkaroon sila ng karagdagang espasyo para ligtas na makapagpatakbo sa panahon ng pandemya.

Kabilang sa programang ito ang mga opsiyon para sa panlabas na kainan, pagbebenta, pagpapakita ng mga paninda, at pagsasara ng mga kalye. Nagbigay kami ng mahigit sa 275 na mga permiso sa ilalim ng programang Safe Start. Ito ay nakatakdang matapos sa Enero 31, 2023. Maaari kayong magbasa ng higit pa sa aming blog post noong Pebrero, kung kailan namin ipinahayag ang ekstensiyon nito.

Bago magpandemya, mayroong humigit-kumulang sa 380 permiso para sa panlabas na kainan, 20 pag-display ng paninda, at 180 permiso sa pagbebenta. Karamihan sa mga permisong Safe Start ay para sa panlabas na kainan, at higit sa 60% sa mga nailabas na mga permiso ay nasa espasyo sa gilid ng bangketa.

Paglalarawan ng isang alagad ng sining ng espasyo sa gilid ng bangketa na ginamit sa loob ng lungsod para sa mga kapihan, pagbebenta, at iba pang mga layunin ng komunidad at negosyo. Grapiko: Constantine Chrisafis, SDOT
Paglalarawan ng isang alagad ng sining ng espasyo sa gilid ng bangketa na ginamit sa loob ng lungsod para sa mga kapihan, pagbebenta, at iba pang mga layunin ng komunidad at negosyo. Grapiko: Constantine Chrisafis, SDOT

Gumawa kami ng draft na panukala na kinabibilangan ng mga pangmatagalang pagbabago at napapanahong mga pagbabago sa aming mga kinakailangan sa pagpermiso. Kung maaaprubahan, ilalagay namin ang mga pagbabagong ito sa sandaling magtapos ang Safe Start sa unang bahagi ng susunod na taon. Plano namin na kumpletuhin ang aming panukala itong tag-init. Makikita ninyo ang mga pangunahing kaalaman sa aming mga panukala sa ibaba.

Kainan sa Labas

Ipagpapatuloy ng aming draft na panukala ang karamihan sa mga tagumpay na nasaksihan sa panahon ng pandemya. Ipagpapatuloy namin na pahintulutan ang panlabas na kainan na may mga istraktura sa parehong mga tabi ng bangketa at sa espasyo sa gilid ng bangketa. May mga istraktura na maaaring kailangang baguhin o patibayin upang maging matatag sa masamang panahon. Palalawakin din namin ang mga oportunidad para sa mga restoran sa pamamagitan ng pag-alok ng bago, naayon sa panahon na permiso. Ang permisong ito ay may bisa mula Abril hanggang Oktubre. Ito ay napakahusay para sa mga negosyong bukas para sa panlabas na kainan sa mga mas mainit na buwan.

Bisitahin ang aming web page para sa impormasyon tungkol sa iminungkahing mga pagbabago sa panlabas na kainan.

Ang mga Display ng Paninda

Ang aming panukala ay nagpapahintulot sa mga negosyong retail na mag-advertise ng mga paninda sa harap ng kanilang mga tindahan. Inaalis nito ang pangangailangan na mag-aplay para sa isang permiso.


Ang pagkalibre ay hindi nalalapat sa bawat display. Ang mga retail na negosyo na ibig maglagay ng display para sa paninda malapit sa kanilang mga tindahan, maging sa tabi ng bangketa, malapit sa gilid ng bangketa o mismo sa labas ng kanilang negosyo katapat ng kanilang gusali, ay kailangan pa ring makatanggap ng permiso kung ang kanilang display ay hindi alinsunod sa mga pamantayang ginawa para sa opsiyong libre sa permiso. Maaaring mag-aplay ang mga negosyo para sa pangmatagalan at sa pana-panahong mga permiso. Ang mga pangmatagalang permiso ay dapat baguhin muli taon-taon. Ang mga pana-panahong permiso ay may bisa mula Abril hanggang Oktubre. 

  • Hindi na kami mag-aalok ng opsiyon para sa mga display ng paninda na matatagpuan sa espasyo sa gilid ng bangketa. Itong mga display ay mababa ang pangangailangan kumpara sa mga ibang paggamit ng espasyo sa gilid ng bangketa sa ilalim ng programang Safe Start. Maaaring kailangan ang mga eksepsyon para sa mga pagsasara ng kalye o iba pang mga pansamantalang, may permisong mga kaganapan. 

Bisitahin ang aming web page para sa impormasyon tungkol sa iminumungkahing pagbabago para sa pagdisplay ng mga paninda.

Pagbebenta

Ang aming Programang Pagbebenta sa Kalye at Bangketa ay patuloy ang paglago sa paglipas ng panahon. Ito ay nag-aalok ng tuloy-tuloy na pagkakataon para sa bago at establisadong maliliit na mga negosyo. Karamihan sa aming mga ibinibigay na permiso sa pagbebenta ay para 12 buwan.  

Ang pagdagdag ng mga pagkakataon para sa mga bagong magbebenta ay naging mahirap bago ang pandemya. Ang pagpasiya sa isang hindi tiyak, bagong lugar para sa buong taon ay maaaring patunayang nakakatakot, lalo na sa limitado ang mga mapagkukunan.  Isinama namin ang tatlong buwan na pagsubok na permiso upang tugunan ang hamong ito. Sinusuportahan ng talatakdaan ng permiso at pinababang gastos ang mga pagsisikap ng mga magtitinda na subukan ang mga bagong lokasyon. Ang ideyang ito ay nagmula sa mga magtitinda na sumapi sa isang maliit na grupong tagapayo ng mga magtitinda noong 2021.

Lumilikha kami ng karagdagang mga pagkakataong magtinda sa pamamagitan ng pag-alis ng mga pagbabawal sa mga uri ng pagtitinda, bilang ng mga magtitinda, at pag-zoning.

Bisitahin ang aming web page para sa impormasyon tungkol sa iminungkahing mga pagbabago sa pagtitinda.

Mga Kaganapan sa Kalye at Bangketa

Ang aming mga Permiso para sa Kaganapan sa Kalye at Bangketa ay pinapayagan ang mga institusyon, mga grupo sa komunidad, at mga organisasyon na gamitin ang mga kalye, mga eskenita at mga plaza. Sa pagpapasigla sa mga espasyong ito, ang mga kaganapang ito ay nagpapatibay sa ating damdaming maka-komunidad. Nung panahon ng pandemya, ang mga permisong ito ay ginamit nang madagdagan ang espasyo para sa mga restoran at mga tindahang retail upang pagsilbihan ang mga mamimili. Habang nasasanay ang ating mga komunidad sa pandemya, ang mga permisong ito ay muling palalawakin upang makasama ang mga iba’t ibang uri ng kaganapan. 


Bisitahin ang aming web page para sa impormasyon tungkol sa iminungkahing mga pagbabago sa mga Kaganapan sa Kalye at Bangketa.

Mga Bayarin

Walang mga bayarin sa permiso para sa mga permisong ibinigay gawa ng pansamantalang programang Safe Start. Ang aming layunin ay suportahan ang aming mga komunidad habang ginambala ng pandemya ang ating mga pamumuhay. Kapag natapos na ang pansamantalang programa, aming ibabalik ang pagsingil ng mga bayarin para sa ganitong uri ng mga permiso.

Marami kaming natutunan tungkol sa mga negosyong aming sinilbihan mula nang aming ipahayag ang programang Safe Start noong 2020. Nakita namin ang kanilang puspusang pagsisikap upang balansehin ang mga pangangailangan ng kanilang kawani at ang kanilang kakayahan, kapwa pansamantala at pangmatagalan. Nakita namin ang mga may-ari ng mga negosyo na kumuha ng mga kalkuladong panganib, na makibahagi ng mga ideya at mga plano, bumuo mula sa pagkamalikhain at mga inobasyon ng isa’t isa, at sama-samang nagtrabaho sa mga panahon ng lubhang walang katiyakan at kahirapan. Ginamit nilang mabuti ang mga pagkakataong isinagawa ng mga permiso ng Safe Start, at kanilang ipinahayag ang kanilang pasasalamat para sa sumusuportang programang ito.

Upang makabuo mula sa aming natutunan at upang matugunan ang mga pangunahing konsiderasyon, natukoy na namin ang mga Bayarin sa 2023:

  • Kailangang abot-kaya para sa mga may-ari ng maliliit na negosyo at mga organisasyon ng komunidad. Ibig naming ipagpatuloy ang pagtulong sa aming mga kasosyo sa negosyo habang muli naming itinatatag ang ating mga komunidad. Ibig din namin ipagitna ang pagkakapantay-pantay sa aming programa.
  • Kailangang mabawi ang aming mga gastos sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga permiso, pag-renew, at mga bayarin sa pagbabago. Ito ay mas makakapagtali ng mga bayarin sa trabahong ginagawa ng aming mga kawani sa pagsusuri ng mga aplikasyon at pagpapalabas ng mga permiso. Titiyakin din nito ang pangmatagalang pagpapanatili ng programa.
  • Dapat maging kasing simple hangga’t maaari. Dadagdagan nito ang pagiging madaling gamitin at makakatulong sa mas mahusay na pagproseso.
  • Dapat kumatawan sa ating mga kahalagahan. Ibig naming hikayatin ang paggamit ng espasyong pampubliko. Para magawa ito, inaayos ng aming panukala ang mga bayarin sa permiso upang mapanatili namin ang programa habang pinapabuti ang pagkaabot-kaya.


Upang makita ang mga detalye tungkol sa iminungkahing mga bayarin, tingnan itong mga partikular na mga pahina.


Ano ang susunod?

Aming ibinabahagi itong draft na plano upang makatanggap ng puna mula sa inyo. Ibig din naming itaas ang kamalayan tungkol sa aming mga plano habang kami’y nagtatrabaho patungo sa panghuling bersyon ng panukalang ito. Plano namin na isumite ang aming panghuling panukala sa Konseho ng Lungsod sa huling bahagi nitong tag-init. Kung kayo’y may anumang mga puna, mga katanungan, o ibig matuto ng higit pa, mangyaring mag-email sa amin sa publicspace@seattle.gov. Maaari rin ninyong bisitahin ang aming website kahit anumang oras.

Madalas na Tanungin na Mga Katanungan:

Tanong: Mayroon akong kasalukuyang Safe Start na kapihan. Maaari ko bang panatilihin ang parehong laki ng kapihan?

Sagot: Depende yan. Kung ang inyong kapihan ay higit pa sa 40 talampakan ang haba, maaaring kailanganing itong maging mas maliit ng kaunti. Ito ay para matiyak namin na may espasyo para sa pagkarga at pagbaba sa sasakyan. Ibig din naming matiyak na ang isang kapitbahay na negosyo ay makakagamit ng espasyo sa gilid o bangketa. Gayunpaman, magkakaroon ng maraming pagkakataon na ang mga kapihan na mas mahaba pa sa 40 talampakan ay maaaring manatiling walang pagbabago.

Tanong: Mayroon akong kasalukuyang Safe Start na kapihan na may istrakturang bubong. Maaari ko bang ipagpatuloy ito?

Sagot: Muli, depende ito! Masaya kaming patuloy na payagan ang mga istraktura sa itaas upang protektahan ang mga tao mula sa ulan at (paminsan-minsan) araw ng Seattle. Gayunpaman, maaring kailanganin na ang istraktura ay mas malakas o may pabigat. Makakatulong ito na panitilihin ito sa lugar kapag mayroon tayong mga malakas na hangin.

Tanong: Ang aking kapihang Safe Start o ang display sa labas ng mga paninda ay gumagamit ng tent upang protektahan ang mga tao sa ulan at araw. Patuloy ba ninyong papayagan ang opsiyong iyon?

Sagot: Oo! Patuloy na papayagan ng aming programa ang mga pop-up na mga tent upang protektahan ang mga tao sa ulan at araw. Hinihiling lang namin na inyong tanggalin ang tent kung may inaasahang bagyo.

Tanong: Paano ang pag-ilaw at pag-init? Maaari namin bang panatilihin ang mga iyon sa lugar?

Sagot: Muli, depende iyan. Ibig naming tiyakin na ang mga espasyong ito ay mananatiling komportable, na kadalasa’y nangangahulugang may init at liwanag. Mga ilan sa karaniwang mga elemento sa pagpapa-init, gaya ng mataas na “mushroom-style” na mga propane heater, ay pinapayagan kung walang bubong o takip. Ang iba, mga mas maliit na propane heater ay pinapayagan kahit sa ilalim ng takip. Ang mga ilaw ay kailangang lamang na maging alinsunod sa mga patakaran ng gusali, at pagkatapos ay pinapayagan ang mga ito.

Tanong: Kasalukuyan akong may permisong Safe Start. Kinakailangan ko bang mag-aplay ulit?

Sagot: Oo, kinakailangan ninyong mag–aplay muli sa ilalim ng panibagong tipo ng permiso. Ang ating programang Safe Start ay idinisenyo bilang emergency na pagtugon sa pandemya. Ang programang Safe Start ay batay sa mga umiiral na mga opsiyon ng permiso. Aming ginagawang makapanahon ang mga kasalukuyang mga opsiyon sa permiso at hindi na mag-iisyu ng mga permisong Safe Start. Sa mga napabagong mga klase ng permiso, kinakailangan naming siguraduhin na aming ginagawa ang masusing pagsusuri ng inyong kapihan at siguraduhing nasa amin ang mga datos na aming kailangan. Kung ang inyong kapihan ay ganap na nabigyang permiso sa ilalim ng Safe Start (o kahit na hindi) gagawin namin ang lahat para maaprubahan ang inyong permiso, subali’t may ilang mga pagbabagong maaring kailangang gawin.